• June 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bentahan ng alcohol sa supermarkets, limitado sa 2 bote kada kostumer – DTI

NILIMITAHAN na simula kahapon (Miyerkoles) sa 2 bote kada kostumer ang bentahan ng alcohol sa mga supermarket kasunod ng paglakas ng pagbili sa produkto bunsod ng dumaraming kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

 

Napagkasunduan ang limitadong bentahan sa pulong ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturer ng alcohol at may-ari ng mga supermarket.

 

Kung lalong lumakas ang pagbili ng mga tao sa mga pangunahing bilihin, pag-aaralan din ng DTI na limitahan ang bilang ng mga produktong maaaaring bilhin, sabi ni DTI Secretary Ramon Lopez.

 

Nagkalat ngayon sa social media ang mga larawan na ilang Pilipino ang sumugod sa mga pamilihan nitong mga nagdaang araw para bumili ng mga pagkain at panlinis sa katawan. Nakasabay ito ng pagkalat ng mga maling ulat na posibleng isailalim sa lockdown ang Metro Manila dahil sa dami ng mga kaso ng COVID-19 sa lugar.

 

Ayon pa kay Lopez, nauubusan lamang ng alcohol at sanitizers na idinidisplay sa mga pamilihan ngunit hindi ibig sabihin nito na mayroong kakapusan sa suplay.

 

Giit pa ng opisyal, “daily basis” lamang ang naturang paglilimita.

 

Kasabay nito, tiniyak din naman ng mga alcohol manufacturer na Green Cross at Philusa na sapat ang supply ng kanilang mga produkto.

 

“Our company’s doing our best to supply the needs of the Filipino consumers,” ani Green Cross group product manager Mariz Luis.

 

Sambit naman ni Philusa President Neogin Evangelista, “we’re doing our best to be able to supply the current demand.”

 

Nauna nang sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na hindi kailangan ng publiko na mag-panic buying o bumili ng bulto-bultong pagkain at panlinis sa harap ng dumaraming kaso ng COVID-19.

 

Bukod sa gobyerno, maging ang grupong Philippine Amalgamated Supermarkets Association ay nanawagan sa publiko na huwag bumili nang sobra sa kailangan.

 

Samantala, inaayos na ang pang-angkat ng 2 milyong piraso ng face mask sa India.

 

Dahil pumapatak sa P25 ang presyo ng imported face mask, lagpas sa P12 suggested retail price (SRP), ipapaalam ng DTI sa Department of Health kung puwedeng itaas ang SRP, ayon kay Castelo.

Other News
  • Happy 38th Anniversary People’s Balita

  • ANGEL at NEIL, naka-white coat, pants at sneakers lang sa naganap na civil wedding; original plan siguradong itutuloy pa rin

    HINDI pa rin sinasabi nina Angel Locsin at Neil Arce kung kailan sila talaga nagpa-civil wedding kunsaan, ang Mayor ng Taguig na si Lino Cayetano ang nagkasal sa kanila.     Pero so far, marami naman ang natuwa para sa dalawa na dapat, November 2020 pa sana ang talagang date ng kasal, pero dahil nga […]

  • ENRIQUE, kinilig nang tinanong ng diretso ni MATTEO kung kailan sila magpapakasal ni LIZA

    KINIKILIG si Enrique Gil sa naging podcast interview ni Matteo Guidicelli sa kanilang dalawa ng girlfriend na si Liza Soberano.          Tinanong kasi ng diretso ni Matteo ang mga ito kung kailan daw pakakasal.     Then, nagbigay pa ito ng assurance kina Liza at Enrique na tulad nga ng experience niya ngayong […]