• April 1, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Beripikasyon ng mga balota, target ng Comelec hanggang sa Abril 20

TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na matapos ang isinasagawang beripikasyon ng mga balota hanggang sa Abril 20 o 21.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, uunahin nilang beripikahin ang mga balota para sa malalayong lugar.
Pagsapit naman aniya ng Abril 15 hanggang 20 ay mga balota sa malalapit na lugar, kabilang ang Metro Manila.
Ani Garcia, ang pro­seso ng beripikas­yon ng mga balota ay mayroong dalawang estado, kabilang dito ang manual verification na isinasagawa ng kanilang mga personnel at ang beripikasyon na isinasagawa naman ng mga makina.
Matatandaang sa ngayon ay nakapokus na ang Comelec sa ballot verification matapos na makumpleto ang ballot printing noong nakaraang linggo.
Samantala, sinabi rin ni Garcia na ang distribusyon ng mga balota na natapos nang iberipika ay magsisimula sa ikalawang linggo ng Abril.
Ang distribusyon naman umano ng mga voter information sheets (VIS) sa buong bansa, kung saan nakalagay ang pangalan ng mga botante, detalye ng mga presinto, mga paalala sa halalan at listahan ng mga kandidato para sa national at local elections, ay isasagawa ng poll body mula sa Abril 1 hanggang 30.
News 2
Umawat sa away ng mag-asawa, ka-trabaho, sinaksak
PINAGHAHANAP ngayon ng mga awtoridad ang isang construction worker matapos pagsasaksakin ang kanyang kabaro na umawat sa away nila ng kanyang common-law wife sa Alfonso, Cavite Mates ng madaling araw.
Ginagamot ngayon sa Dr. Poblete Hospital ang biktimang si alyas Jerome dahil sa saksak sa katawan na tinamo mula sa suspek na si alyas Bernie, kapwa mga construction worker, na tumakas matapos ang insidente.
Una dito, nag-inuman ang biktima, suspek at mga kasamahan nila sa trabaho sa Brgy Tua, Magallanes at matapos ang kanilang inuman ay nagsiuwi sa kanilang barracks sa Jacko Builders sa Brgy Kaytitinga 2, Alfonso, Cavite bandang ala-1:30 kahapon ng madaling araw kung saan nagkaroon ng mainitang pgtatalo ang suspek at kanyang common-law wife.
Nang nakitang sinasaktan ng suspek ang kanyang asawa, namagitan ang biktima na kinasama ng suspek kaya pinagsasaksak nito.
Matapos ang insidente, tumakas ang suspek habang isinugod sa ospital ang biktima. (Gene Adsuara)
Other News
  • 2 pasaway sa ordinansa sa Caloocan, dinampot sa boga

    SA halip na multa lang dahil sa paglabag sa ordinansa, sa selda ang bagsak ng dalawang lalaki matapos silang arestuhin ng pulisya dahil sa ilegal na pagdadala ng baril sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, unang nasita ng mga tauhan ng Police Sub-Station 11 […]

  • 1-M pang Sinovac vaccine doses, dumating sa Phl

    Karadagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccine ang dumating sa Pilipinas bandang alas-7:35 kahapon ng umaga.     Ang bagong batch ng Sinovac vaccine ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City lulan ng Cebu Pacific Flight 5J 671.     Sinalubong ito ng vaccine czar na […]

  • Tiktok serye na ’52 Weeks’ wagi sa Hashtag Asia: KYCH at MICHAEL, maghahatid ng kilig sa unang BL series ng Puregold

    PATULOY na nagbabago ang digital na mundo pagdating sa mga pelikula, palabas, at paraan ng video streaming, at patuloy ding sinisikap ng Puregold na manguna sa paglikha ng mga seryeng bago at kakaiba, ngunit papatok at kagigiliwan ng mga manonood dahil lapat sa kanilang mga buhay–ganito ang handog ng retailtainment ng Puregold.     Nitong mga nagdaang […]