• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Best Philippine swimming team handa na sa national tryout

Bukod sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mabigyan ng bakuna ang mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 2021 Olympic Games at Southeast Asian Games ay inaprubahan din nito ang pagdaraos ng swimming national selection meet.

 

 

Ang nasabing 2021 Swimming National Selection na gagawin ng Philippine Swimming Inc. (PSI) sa Agosto ay para sa pagtukoy sa mga tankers na isasabak sa 2021 SEA Games sa Vietnam sa Nobyembre.

 

 

“We are very very happy na finally na-approved na ng IATF iyong proposal ng PSI for a national selection for SEA Games,” wika ni Joan Cacho-Mojdeh, team manager ng Main BEST Philippines at ina ni swimming sensation Micaela Jasmine Mojdeh.

 

 

“Sa team naman namin we are very lucky na hindi natigil ang mga bata sa training. Tuluy tuloy lang talaga kaya nag-move muna kami sa Lucena para makasama ni Jasmine iyong mga teammates niya,” dagdag pa nito.

 

 

Nakatakda ang national selection meet sa Agosto 28 hanggang 30 sa isang bubble set-up sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac na pinagdausan ng swimming events ng 2019 SEA Games.

 

 

Ipapatupad ng PSI ang inilatag na health and safety protocols ng IATF para sa nasabing event kung saan 100 swimmers at 100 in-venue personnel ang papayagan sa venue bawat araw.

 

 

“May certain standards silang (PSI) ise-set para hindi masyadong dumami iyong number of people sa event just to keep the athletes and officials safe while having the competition,” ani Cacho-Mojdeh.

 

 

Kabuuang 32 men’s at women’s events ang ilalatag sa naturang three-day meet na magdedetermina sa mga magiging miyembro ng Team Philippines para sa Vietnam SEAG at sa iba pang international meets.

Other News
  • DTI, pinag-aaralan na ngayon ang ilang kahilingan ng mga manufacturer na magtaas ng presyo sa bilihin

    PINAG-AARALAN na ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kahilingan ng ilang mga pangunahing bilihin na magtaas ng presyo sa mga bilihin sa bansa.     Ito ay sa gitna pa rin ng kinakaharap na mataas na presyo ng produktong petrolyo na nagbubunsod naman ng pagtaas ng bilihin sa merkado.     Pag-amin […]

  • Tate, Vera ONE FC Ambassadors

    NAGBIGAY pugay at inspirasyon sa tropa ng Amerikano sina dating UFC women’s bantamweight champion at current ONE Championship Vice President Miesha Tate at ONE Heavyweight World Champion Brandon “The Truth” Vera sa Andersen Air Force Base sa Guam.   Isinagawa ang pagbisita sa pakikipag-ugnayan sa United Service Organizations (USO) bilang pagbibigay kahalagahan sa nagawa ng […]

  • COVID-19 pandemic tatagal pa hanggang taong 2022 – WHO

    Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na maaaring tatagal pa hanggang taong 2022 ang COVID-19 pandemic.     Ito ay sa kadahilanang ang mga mahihirap na bansa ay hindi pa raw nakakakuha ng tamang bakuna na kanilang kailangan.     Sinabi ni Dr Bruce Aylward, senior leader ng WHO, mas mababa sa 5 percent na […]