• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Better response coordination” sa LGUs’, target ng NDRRMC

TARGET ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang  “better disaster response coordination” sa  local government units (LGus).

 

 

Sinusuri nito ang sistema kasunod ng mataas na record ng casualties mula sa pananalasa  ng tropical storm Paeng (international name: Nalgae).

 

 

Sinabi ni NDRRMC assistant secretary Bernardo Alejandro IV na ang ahensiya ay  “not pointing fingers,” subalit mai-improve nito kung paano makipag-komunikasyon at makipagtulungan sa LGUs, partikular na sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM), sa panahon ng kalamidad.

 

 

“I’m not blaming BARMM for this but we want to improve how we do things kasi ang problema is – are the LGUs, including BARMM, able to translate into action iyong mga warning na tinatanggap natin?” ayon kay Alejandro.

 

 

“Nasa appreciation kasi, based on the protocol, kung paano magresponde iyong LGUs kasi sila iyong nakakaalam sa area nila – in general, kung saan ang safe. Kasama po iyan sa pag-aaralan natin. Not to blame anyone, we just have to take it as lessons learned and a challenge for all of us na talagang kailangan pa na mag-improve to avoid similar incidents,” dagdag na wika nito.

 

 

“This reassessment of systems  is simultaneously being done with the relief and response efforts of the NDRRMC and the BARMM government to the victims of Paeng,” anito.

 

 

“Nandiyan naman ang BARMM. They are doing everything they can but of course, kailangan natin iyong support nila. Kailangan nila iyong support natin para po mas efficient and mas maganda po iyong response natin,”  aniya pa rin.

 

 

Tinuran pa ni Alejandro na ang pag-i invest sa proper early warning equipment  sa local level at consistent capacity building ay dapat na pagsikapan ng NDRRMC kasama ang LGUs.

 

 

“Investment on proper equipment, mga early warning equipment sa local level, kailangan iyan. Hindi naman kailangan na manggaling pa sa atin. Dapat on their own, they should be able to monitor,” aniya pa rin.

 

 

Idinagdag pa ng NDRRMC  na ang nagpapatuloy na  capacity building ay dapat na isulong lalo na ang nagpapatuloy na transisyon  sa bagong “set” ng  disaster risk reduction and management officers.

 

 

Sinabi pa ni Alejandro na tumutulong ang  ahensiya sa  disaster response sa BARMM sa pamamagitan ng pagpo-provide ng helicopters para sa pamamahagi ng suplay na kailangan para sa relief operations sa rehiyon.

 

 

May kabuuang 1.95 milyong indibiduwal ang nagdusa mula sa ngitngit ni Paeng. Nag-iwan ng 98 katao ang patay, base sa “morning situational report” ng NDRRMC, araw ng Lunes. (Daris Jose)

Other News
  • BIANCA, hinihintay na ng viewers kung paano makikipagbangayan kina ALICE at ANDREA

    HINIHINTAY na ng mga viewers ng Legal Wives ang pangatlong wife ni Ismael Makadatu (Dennis Trillo), si Farrah, played by Kapuso young actress Bianca Umali.      Maraming expectations ang mga viewers kay Bianca dahil isa siyang mahusay na actress, and she will play the youngest among the three wives of Ishmael.  Ang first wife […]

  • Malakanyang, isinapubliko ang priority population groups

    ISINAPUBLIKO ng Malakanyang ang priority population groups para sa inihahandang pagbabakuna laban sa Covid -19 ngayong buwan.   In-adopt ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (INITAG) ang mga sumusunod na priority population groups para sa gagawing pagbabakuna.   Ito ay ang mga sumusunod: A1: Frontline workers sa mga health facilities kapwa national and local, […]

  • Ads August 6, 2020