BI, nakatakdang ipatupad ang dati pang deportation order kapag nakalaya na si Pemberton
- Published on September 11, 2020
- by @peoplesbalita
Nakasalalay na umano sa kampo ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kung aapela pa ito sa deportation order ng Bureau of Immigration (BI) kapag ito ay napalaya na.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra kung sakaling hindi na aapela si Pemberton ay bahala na ang BI na ipatupad ang deportation order laban sa sundalong Amerikano kahit napagkalooban na ito ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una rito, base raw sa order ng board of commissioners ng Bi mayroong deportation order laban kay Pemberton na may petsang September 16, 2015 dahil sa pagiging “undesirable alien.”
Kaugnay nito, hiniling na raw ni Immigration Commissioner Jaime Morente kay BuCor Director General Gerald Bantag na i-turn over sa kanila si Pemberton kapag napalaya na ito sa kulungan para makumpleto na nila ang deportation proceedings ng dating sundalo.
“At any rate, we are awaiting instructions from our Justice Secretary Menardo Guevarra for guidance on how we will implement the deportation order in a manner that is within the prescribed laws of the country,” ani Morente.
Sinabi ng BI na ang mga foreigners na ipapa-deport ay kailangang magsumite ng clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI) at regional trial court bilang patunay na wala na silang nakabinbing criminal o civil cases.
Ang Amerikanong sundalo ay sangkot sa pagpatay sa Pinay transgender woman na si Jeffrey alyas Jennifer Laude noong taong 2014.
1st phase ng operasyon ng Metro Manila subway project, sisikaping habulin sa Disyembre sa 2021. (Daris Jose)
-
Mayor Isko nagpabakuna kontra COVID-19
Naturukan na ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno. Mismong si Manila Vice Mayor Honey Lacuna, na isang doktor, ang nagsagawa nito kahapon ng umaga sa Osmeña High School sa Tondo, Maynila. Agad nagpabakuna si Moreno matapos payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force […]
-
PSC facilities bubuksan na sa mga national athletes
Simula sa Enero 10, 2022 ay muling makakapag-ensayo ang mga national athletes sa tatlong pasilidad ng Philippine Sports Commission (PSC). Ito ay bilang preparasyon ng mga national teams para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo at 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre ng susunod na taon. […]
-
PBBM, hindi kasama at hindi kailanman nakasama sa drug watch list- PDEA
MARIING itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa watchlist nito para sa mga taong sangkot sa illegal drug use kontra sa akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. “Based on all the foregoing facts, the PDEA asserts that President Marcos Jr. is not and was […]