• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BI nanawagan sa mga Airlines na huwag pasakayin ang mga banyaga na walang VISAS

UMAPELA ang Bureau of Immigration (BI) sa mga airlines na huwag pasakayain ang mga banyaga na papunta sa Pilipinas na walang naangkop na visa para pumasok sa bansa.

 

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ito ay bunsod sa ulat na maraming mga banyaga ang tinanggihan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kawalan ng visas gayundin sa Intenational Airport sa Mactan, Cebu and Clark, Pampanga.

 

Ayon kay Morente, pananagutan ng isang airlines na alamin kung ang mga banyagang ito ay may kaukulang visa at abala din sa kanila kung tatanggihan sila sa pagdating nila sa airports.

 

“Apart from shouldering the cost of returning these aliens to their port or origin, it is also the responsibility of the airlines to defray the expenses of their accommodation at the airport while awaiting their return flights,” ayon kay Morente.

 

Nanawagan din si Morente sa mga airlines na updated sila sa mga bagong inilalabas na international travel mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kung saan nakikita sa BI website at mga social media accounts nila.

 

Ipinaalala din ni Atty. Candy Tan, BI Port Operations Division chief, sa mga ailines na huwag pasakayion ang mga banyaga na “improperly documented”.

 

“We understand that sudden change in policy happens worldwide because of the pandemic. Borders keep on opening and closing, depending on the number of COVID-19 cases,” said Tan. “Hence we are in close coordination with airlines to update them on the policies as directed by the IATF. We are thankful for their cooperation, it’s a difficult time for everyone, especially for the airline industry, and through their support we are able to implement these measures to avoid the surge of cases in the country,” ayon pa kay Tan. (Gene Adsuara)

Other News
  • Nalungkot at pinanghinaan ng loob sa viral post na withdrawal of support ng ilang heneral at opisyal ng military

    INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na labis siyang nalungkot at pinanghinaan ng loob nang makarating sa kanyang kaalaman na may ilang heneral at opisyal ang nagplano na mag-withdraw ng kanilang suporta sa kanya dahil sa kanyang posisyon sa pagsalakay ng mga tsinoy sa Philippine water.   “Talagang downhearted ako. If we cannot work together […]

  • DICT iminungkahi ang pagkilala ng digital version ng National ID

    IMINUNGKAHI ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang paglalabas ng digital version ng Naitonal ID habang hindi pa natatapos ang printing ng mga cards.     Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy, na ang digital ID ay ginagamit na halos ng karamihan dahil ito ay madaling dalhin kumpara sa mga cards.   […]

  • KIM, nagpaalala na huwag munang lumabas sa pagtaas ng COVID-19 cases; netizens may iba’t-ibang reaction

    NAGPAALALA naman si Kim Chiu na bawal munang lumabas ng bahay sa panahon ngayon na patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases dahil sa omicron variant.     Post ni Kim sa kanyang IG account, “How’s your first week of 2022???     “For me, some of my friends, loved ones are infected by #omicron. I hope and […]