• September 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BI nanawagan sa mga Airlines na huwag pasakayin ang mga banyaga na walang VISAS

UMAPELA ang Bureau of Immigration (BI) sa mga airlines na huwag pasakayain ang mga banyaga na papunta sa Pilipinas na walang naangkop na visa para pumasok sa bansa.

 

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ito ay bunsod sa ulat na maraming mga banyaga ang tinanggihan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kawalan ng visas gayundin sa Intenational Airport sa Mactan, Cebu and Clark, Pampanga.

 

Ayon kay Morente, pananagutan ng isang airlines na alamin kung ang mga banyagang ito ay may kaukulang visa at abala din sa kanila kung tatanggihan sila sa pagdating nila sa airports.

 

“Apart from shouldering the cost of returning these aliens to their port or origin, it is also the responsibility of the airlines to defray the expenses of their accommodation at the airport while awaiting their return flights,” ayon kay Morente.

 

Nanawagan din si Morente sa mga airlines na updated sila sa mga bagong inilalabas na international travel mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kung saan nakikita sa BI website at mga social media accounts nila.

 

Ipinaalala din ni Atty. Candy Tan, BI Port Operations Division chief, sa mga ailines na huwag pasakayion ang mga banyaga na “improperly documented”.

 

“We understand that sudden change in policy happens worldwide because of the pandemic. Borders keep on opening and closing, depending on the number of COVID-19 cases,” said Tan. “Hence we are in close coordination with airlines to update them on the policies as directed by the IATF. We are thankful for their cooperation, it’s a difficult time for everyone, especially for the airline industry, and through their support we are able to implement these measures to avoid the surge of cases in the country,” ayon pa kay Tan. (Gene Adsuara)

Other News
  • PBBM tiniyak pipirmahan ang panukalang Maharlika Investment Fund

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kaniyang lalagdaan ang bagong bersiyon ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa sandaling makarating ito sa kanyang opisina.            Gayunpaman sinabi ng chief executive na bago niya ito lagdaan, kanya muna nitong rebyuhin para makita ang buong panukala.     “I will sign it as soon as […]

  • Pinoy jins hahataw sa Vietnam

    NAKATAKDANG  umalis ngayong araw ang Smart/MVP Sports Foundation taekwondo squad upang magpartisipa sa 2022 ATF (Asean Taekwondo Fe­deration) Taekwondo Championships na hahataw mula Marso 30 hanggang Abril 4 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.     Binubuo ang koponan ng 10 atleta sa kyorugi (free sparring) at lima sa poomsae.     Magsisilbing delegation head […]

  • Bilang ng Covid-19 infections noong nakaraang Agosto 2020, posibleng maulit ngayon

    SINABI ng Malakanyang na papalapit na ang bilang ng COVID-19 infections na naitala noong Agosto ng nakaraang taon.   Matatandaang noong Agosto 2020 ay pinakinggan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panawagan ng mga health workers para sa 2-linggong pagbabalik ng Metro Manila sa itinuturing na “second strictest lockdown level” dahil sa pagbaha ng mga […]