• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BI, pag-aaralan ang mga records at kaso ng ‘crypto scam’ trafficking victims

PAG-AARALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang records ng walong repatriated Filipinos na nabiktima ng cryptocurrency scammers.

 

 

Sinabi ni Commissioner Norman Tansingco na inatasan niya ang Travel Control and Enforcement ng Bureau of Immigration na imbestigahan ang kaso ng mga biktimang ito na dumating sa bansa noong Lunes ng gabi sa pamamagitan ng flight ng isang airline mula Singapore.

 

 

Ang grupo, na binubuo ng apat na lalaki at apat na babae, ay lumipad mula Dubai upang magtrabaho sa Thailand ngunit kalaunan ay dinala sa Myanmar.

 

 

Ang isa sa kanila ay umalis bilang isang rehistradong Overseas Filipino Worker sa Dubai noong 2019, habang ang tatlo naman ay umalis bilang mga turista noong 2016, 2019, at 2021 upang bisitahin ang mga kapamilya ngunit hindi na bumalik mula noon.

 

 

Ang mga Pilipinong na-recruit ay kinakailangang bumuo ng mga relasyon sa kanilang mga target sa pamamagitan ng social media, at hikayatin silang mamuhunan sa isang pseudo-crypto account.

 

 

Ang mga ganitong kaso ay iniulat na tumatakbo sa Myanmar, Laos, at Cambodia.

 

 

Kaugnay niyan, pinaalalahanan ni Tansingco ang mga Pinoy sa Pilipinas at sa labas ng bansa na maging maingat sa mga alok na trabaho online at tiyaking legal silang makakakuha ng trabaho. (Daris Jose)

Other News
  • Ads September 18, 2024

  • Motorsiklo nabangga ng kotse, rider todas

    NASAWI ang isang rider matapos mabangga ng kotse na nag-counter flow ang minamaneho niyang motorsiklo sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Quezon City Medical Hospital sanhi ng tinamong pinasala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Mhark Asentista Sales, 37, chief mechanic at residente […]

  • Ivermectin, hindi napatunayang may naibibigay na benepisyo para makagamot ng COVID-19

    INIHINTO na ang pag- aaral tungkol sa Ivermectin na una ng sinabing nagsisilbing gamot sa COVID-19.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Task Force against COVID 19 Medical Adviser Dr Ted Herbosa na napatunayan na kasi sa mga pag- aaral na walang epekto ang naturang gamot sa COVID 19.     […]