• June 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang basic education student, bagsak na grado ang nakuha sa Science at Math

NAKAKUHA ng bagsak na grado sa agham at matematika ang ilang basic education student mula sa  ilang pribadong eskuwelahan na sumali  sa isang assessment na layong masolusyonan ang tinatawag na learning loss.

 

 

Ang learning loss ay ang pagkawala ng kaalaman na karaniwang epekto ng mahabang puwang o matagal na pagkakahinto sa edukasyon ng estudyante.

 

 

Sa katunayan, base sa resulta ng assessment ng Philippine Assesstment for Learning Loss Solutions (PALLS), nakakuha lamang ng average score na 54.1% para sa Science o Agham at 47,5% naman para sa Matematika ang 3,600 Private School G1-12 Students  mula 18 eskuwelahan sa bansa.

 

 

Mas mababa ito sa 60% standard passing score  na itinakda ng DepEd.

 

 

Sa English lamang pumasa ang mga estudyante sa markang 61.5%

 

 

Sa ulat, isinagawa ng University of San Carlos at THAME International School ang pagsusulit sa huling quarter ng 2022.

 

 

Saklaw ang “most essential learning competencies (melcs)” mula third hanggang fourth quarter.

 

 

Nakita rin na mas mababa ang nakuhang marka ng mga nasa mas mataas na grade level.

 

 

Dahil dito, kabilang sa mga rekomendasyon ang pagkakaroon ng detalyadong “periodic at granular assesstment, remediation programs with technology, tv, online support; teacher upskilling at tutor recruitment and training”.

 

 

Tinuran ni  University of San Carlos president Fr. Narciso Celland Jr., “If not addressed collectively, systematically and urgently, learning loss will translate into huge productivity loss and costly economic consequences. It is therefore, hoped that through this initiative, USC and Thames International  will find like-minded individuals  and groups who will partner with us in crafting  and putting in place intervention programs that will put a stop to learning loss and turn it to learning boost.”

 

 

Kinatigan naman ito ng Coordinating Council of  Private Educational Associations (COCOPEA).

 

 

Sinabi ni COCOPEA Legal Counsel Atty. Kristine Carmina Manaog, na mayroong learning crisis issue sa bansa.

 

 

Winika ni Manaog na masyadong teknikal ang science at math at mismong mga guro ay pinag-aaralan ng mabuti para epektibo ring maituro sa mga estudyante.

 

 

Samantala, aminado naman ang DepEd na talagang may learning loss kaya ilulunsad na ang ilang national programs na tutugon dito.

 

 

“Ang priority natin ngayon ay talagang learning recovery. meron tayong mga programs  na nais  ma-roll out ngayong taon. Those are the national programs. National Reading Program, National Math Program, and National Science Program. Kina-craft na iyang ating Currriculum and Teaching Strand at the moment and, of course, with consultation dyan sa mga experts.” ayon kay Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng DepEd.

 

 

Subalit ang pangmatagalang solusyon ng departamento ay ang mga pagbabagong ipatutupad sa Curriculum ng K to 12 program dahil kailangang maglaan ng mas mahabang oras sa pagbabasa at pagbibilang na pundasyon ng mga estudyante para hindi sila mahirapan pagtuntong sa susunod na grade level. (Daris Jose)

Other News
  • Istasyon ng EDSA busway sa SM North nagkaroon ng ground breaking

    MAGKAKAROON ng isang “state-of-the-art” na estasyon na tatawaging Edsa Busway sa SM North EDSA matapos ang ginawang seremonya para sa ground breaking ng nasabing proyekto.       Tinatayang matatapos ang Edsa busway sa darating na July 31, 2024 kung saan ito ay magkakaron ng concierge, ticketing booth, at turnstiles para sa automatic fare collection […]

  • NBI hahagilapin 2 nawawalang close contacts ng Pinoy na may ‘new COVID variant’

    Kukunin na ng Department of Health (DOH) ang tulong ng Department of Justice (DOH) sa pamamagitan ng National Bureau of Investigation (NBI) para matunton ang mga nalalabing nakasalamuha ng unang nahawaan ng United Kingdom variant ng coronavirus disease (COVID-19).     “We have coordinated with the [DOJ] and we will be providing these two names to […]

  • Matatagalan pa bago makabalik ng ‘Pinas: Fulfilling kay AI-AI ang magtrabaho sa isang nursing home

    KASALUKUYAN nang napapanood ang award-winning Kapuso adventure series na ”Lolong” sa Indonesia, na may titulo roon bilang “Dakkila.”       Pinalabas na noong nakaraang Lunes ng gabi ang “Dakkila” sa Indonesian channel na ANTV.       Narito ang naka-post sa Facebook ng ANTV:     “TODAY!! Don’t miss watching the story of Dakkila […]