• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Biado naghahanda na sa pagsabak sa SEA Games

Tiniyak ni Filipino billiard champion Carlo Biado ang pagsali nito sa Southeast Asian Games sa Vietnam.

 

 

Matapos kasi ang panalo nito sa US Open Championship noong Setyembre 18 ay lumakas ang kumpiyansa nito para sa pagsali sa SEA Games sa 2022.

 

 

Bukod pa sa SEA Games ay isa ring pinaghahandaan nito ay ang World Games na gaganapin sa Birmingham, Alabama sa buwan ng Hulyo.

 

 

Magugunitang nagtapos lamang sa quarterfinals si Biado noong 2019 SEA Games na ginanap sa bansa matapos na talunin siya ni Ismail Kadir at nagtapos lamang ito ng bronze sa doubles 9-ball kasama si Joham Chua.

Other News
  • Amit at Centeno tatako sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball

    PUNTIRYA nina Philippine pool queens Rubilen Amit at Chezka Centeno na tuldukan ang pagkauhaw ng bansa sa titulo pagsabak sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball Championship sa Jan. 19-22 sa Atlantic City, New Jersey.   Umalis sina Amit, 41, ng Cebu, at Centeno, 23, ng Zamboanga para sa isang misyong makopo ang unang kampeonato ng […]

  • ‘Deepfake’ videos, dumarami, PNP cybercrime group nababahala

    NABABAHALA na ang Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) sa paglaganap ng ‘deepfakes’ videos at larawan online.     Ayon kay PCol. Jay Guillermo, ng Cyber Response Unit, labis nang nakakaalarma ang laganap na ‘deepfake’ videos na guma­gamit ng ilang sikat na personalidad sa bansa.     Nagagamit ang mga ito sa pamamagitan ng artificial […]

  • Top 6 most wanted person ng NPD, timbog

    Makalipas ang limang taon pagtatago, nadakip na ng mga awtoridad ang tinaguriang Top 6 Most Wanted Person ng Northern Police District (NPD) sa kanyang pinagtataguan sa Calumpit, Bulacan.   Sa report ni District Special Operation Unit (DSOU) head P/Col. Ferdinand Del Rosario kay NPD Director PBGen. Eliseo Cruz kinilala ang naarestong suspek na si Rudy […]