Bianca, gustong i-feature ang ‘journey’ ni Vhong: Success story ni MADAM LYN, sobrang nakaka-inspire
- Published on April 5, 2023
- by @peoplesbalita
WINNER na winner ang grand launch ng TOP SHELF Magazine na ginanap sa Quezon 2 & 3 function rooms ng Seda Vertis North sa Quezon City noong Linggo, Abril 2.
Proud na proud ang newest business and lifestyle magazine sa pagpi-feature nang nakaka-inspire na TOP entreprenuers at professionals na pina-publish ng Velvet Media Inc.
Para sa ikalawang isyu ng Top Shelf, in-unveil ang cover na tungkol sa ’empowered woman’ na si Madam Lyn Macanas, ang CEO at Presidente ng Chrizmarie Builders and Construction Supply.
Ayon sa marketing director na si Bianca Lapus, na nagsusulat din sa Top Shelf, nakapukaw ng pansin sa kanila ang istorya ng buhay at tagumpay ng businesswoman, na single mother na may apat na anak na babae at isang anak na lalaki, na nagsumikap para makilala at manguna sa isang industriyang pinangungunahan ng mga lalaki.
Pahayag ni Bianca, “Our purpose kasi is maka-inspire ng maraming tao. There is so many inspiring stories like that of Madam Lyn na masarap mabasa.”
At sa daming problema sa mundo, at nakalulungkot, naisip nila ng partner na si JJ Maghirang, na maglabas ng magazine na tungkol sa business, fashion, lifestyle at may inspiring stories.
Ayon kay Madam Lyn, hindi siya makapaniwala na gustong i-feature ang story niya at siya pa ang magiging cover ng second issue. Sa paningin niya ay ordinaryong tao lang siya nagsumikap.
“Sabi ko, ano bang meron sa buhay ko. Mahirap kasi na pribado kang tao, tapos may ganito at sa dami ng struggle na pinagdaanan ko.
“Kaya noong kinukulit na nila ako, nagdasal ako, siguro wala namang masama kung pauunlakan ko sila. Kasi sa istorya ko, baka sakali, lalo ‘yung mga kababaihan, baka may mapulot silang aral at maging inspirasyon.”
Sobra ngang nakaka-inspire ang kuwento niya, lalo nga’t matagumpay niyang napasok ang mundo na pinangungunahan ng mga kalalakihan.
“Kumbaga, ano ang alam ko dyan (construction)? Pero naisip ko, lahat naman ng bagay, pag ginusto mo, kahit hindi mo linya, magagawa mo pala.
“Kaya nung sinabi nila na ituloy yun sa Top Shelf, sabi ko okay lang. Kasi gusto ko rin i-empower ang mga babae, na hindi puwedeng minamaliit lang.”
Kaya ‘yun ang naging dahilan kung bakit siya napapayag na ibahagi ang kanilang pinagmulan, na nagsimula sa pagiging OFW, nagkaroon pa ng jewelry business at sa matagumpay na contruction companies na pinasok na rin ng dalawa niyang anak.
Samantala, sa maiden issue ng Top Shelf, si Gigi de Lana ang napiling cover, na present din sa event, na kung saan nagkaroon ng mini concert na labis na ikinatuwa ng mga guests.
Tsika pa ni Bianca, marami na silang naka-line up. Ang susunod nilang celebrity cover, ay ang actress, director, writer at entrepreneur na si Bela Padilla.
Pagbabahagi pa ng dating aktres, “sana mag-yes si Vhong (Navarro). Sabi ko baka gusto mong ilabas naman ang journey mo.”
Mababasa rin sa sophomore issue ng Top Shelf ang mga empowered women na sina Miss Supermodel Worldwide 2022 Alexandra Rosales, Miss Supermodel Philippines 2023 Dr. Shryla Santos Nunez, at Undersecretary for Legal and Special Concerns of DOT na si Atty. Elaine Nathan.
Featuring sa travel section ang our very own Camotes Island at ang 5 cities of Italy. Sa event section tunghayan ang coronation night ng Miss Supermodel PH (franchise by Velvet Media) led by a woman National Director na si Mae Evelyn Maghirang, na siya ring circulation manager ng Top Shelf.
Mabibili na ito sa lahat ng bookstores at para sa worldwide circulation pumunta lang sa www.magzter.com at bisitahin din ang kanilang website na www.topshelf.asia.
(ROHN ROMULO)
-
Pondo ng NTF-ELCAC gawin na lang ayuda
Matapos ang red-tagging sa mga organizer ng community pantry, nais ng ilang senador na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Sa tweet ni Sen. Joel Villanueva, sinabi niya na ang kasalukuyang P19 bilyon budget ng NTF-ELCAC sa susunod na budget ay ilaan para sa ayuda, habang […]
-
Umento sa suweldo ng mga guro inihirit
ISINUSULONG ni ACT Teachers Rep. France Castro ang karagdagang suweldo sa hanay ng mga guro na hangad nitong maisama sa mga prayoridad na panukalang batas sa ika -19th Congress. Sinabi ni Castro na napag-iwanan na ang suweldo ng mga guro kumpara sa mga nurse, pulis at militar pero tambak pa rin ang trabaho […]
-
Rehabilitasyon ng Lagusnilad, tapos na
MATAPOS ang anim na buwan na rehabilitasyon, binuksan na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang Lagusnilad kahapon araw ng Martes. Isang maigsing programa ang isasagawa ng lokal na pamahalaan dakong alas-8:30 ng umaga na dadaluhan din ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakatuwang sa pagsasaayos sa […]