‘BIDA’ fun run ng DILG, umarangkada
- Published on March 2, 2023
- by @peoplesbalita
UMARANGKADA na ang “Buhay Ingatan, Droga Ayawan (BIDA) Bayanihan ng Mamamayan’ fun run na inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Mall of Asia (MOA) grounds sa Pasay City.
Mismong si Interior Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ang nanguna sa isang aktibidad na nilahukan ng libu-libong runners mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Ayon kay Abalos, ang nasa tatlong kilometrong takbuhan ay isa sa mga istratehiya ng pamahalaan para makaani ng suporta sa programang BIDA, na isang malawakang kampanya laban sa iligal na droga.
Kumpiyansa si Abalos na makatutulong ang fun run at iba pang sports activities tungo sa pagkakaroon ng masigla at malakas na mga pamayanan.
Aniya pa, isa rin itong mabisang paraan para gamitin ng mga kabataan ang kanilang oras sa mas produktibong gawain, sa halip na malulong sa bisyo at iligal na droga.
“Isang paraan din ang BIDA Fun Run para ipakita ang suporta at pagkakaisa ng mga mamamayan sa kampanya para tuluyang wakasan ang iligal na droga,” dagdag pa niya.
Samantala, sinamantala rin naman ng pamahalaan ang naturang fun run upang makapaghatid ng “Serbisyo Caravan” sa mga mamamayan.
Ani Abalos, ang Serbisyo Caravan ay isang pambihirang pagkakataon na magkasama-sama sa isang gawain ang mga ahensya ng pamahalaan bilang suporta sa isang programa. Isa aniya itong paraan upang ipakita ang pagkakaisa at sinseridad ng mga ahensya ng gobyerno na paglingkuran at tugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino.
-
Latest photo ni ANGEL, pinagpiyestahan na naman ng netizens
NAGBA-VIRAL ang latest picture ni Angel Locsin na kuha ng isang netizen nang makasabay nitong magsimba o magpunta sa simbahan ang aktres. In fairness sa kumuha ng picture, natuwa ito na nakita si Angel at gandang-ganda rito. Hindi niya binaggit o binigyan man lang ng pansin kung chubby o tila mas nadagdagan pa ang […]
-
VILMA, marami pang dapat i-consider sa balitang pagtakbo bilang Senador
MATAGAL na namin itong gustong itanong kay Alden Richards pero wala lang kaming chance. Wala kasing event si Alden na pwede naming siyang puntahan para tanungin. Hindi talaga namin ma-reconcile na Alden Richards, who has a very wholesome image, is endorsing an intoxicating drink. Hindi lang naman siya ang […]
-
DOTr: Bike lane network pinalawak
INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na nadagdagan ng 68 na kilometro ang bicycle lane network bilang bahagi ng adhikain ng pamahalaan na ipagpatuloy na palakasin ang active transportation sa bansa. Nagkaron ng inagurasyon ang South at East Metro Manila bike lane network noong nakaraang linggo ang DOTr kasama ang Department of Public […]