• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Biden, nagpaabot ng pakikidalamhati sa mga biktima ng Carina, Habagat sa Pinas

NAGPAABOT ng kanyang pakikidalamhati si United States President Joe Biden sa mga Filipinong nawalan ng mahal sa buhay o nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Carina at Southwest Monsoon (Habagat).

 

 

 

 

Ipinaabot ni Biden ang kanyang mensahe kay US Secretary of State Antony Blinken sa joint courtesy call nila ni Defense Secretary Lloyd Austin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.

 

 

“Let me just start by sending our deepest condolences to all the victims of the recent typhoon and to say again, anything we can do to be of assistance, we welcome doing that,”ang sinabi ni Blinken kay Pangulong Marcos.

 

 

“Thirty-nine people reportedly died due to the Habagat and tropical cyclones Carina and Butchoy,” ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

 

Sa kabilang dako, nagpaabot din ng kanyang pakikidalamhati si Austin para sa mga labis na naapektuhan ng masamang panahon at malawakang pagbaha na idinulot sa maraming lugar sa Luzon.

 

 

“And I’ve said a number of times that we’re more than allies, we’re family and it always feels that way when, you know, I’m working with our colleagues,” ayon kay Austin.

 

 

Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang US government para sa pagpapaabot ng kanilang pakikidalamhati sa Filipino community.

 

 

Muli namang ni-renew ni Pangulong Marcos ang commitment ng Pilipinas para palakasin ang working relationship sa Estados Unidos.

 

 

“We are very happy to see you once again. I’m a bit surprised considering how interesting your political situation has become back in the States, but I’m glad that you found the time to come and visit with us,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Blinken na sila’y “very, very pleased” na bisitahin ang Pilipinas at ipaabot ang mainit na pagbati Biden at US Vice President Kamala Harris.

 

 

Sina Blinken at Austin ay nasa Pilipinas para sa 4th Philippines-US Foreign and Defense Ministerial Dialogue (2+2 Dialogue), na hinost ng Pilipinas para sa kauna-unahang pagkakataon.

 

 

Ang mga nakalipas na pagpupulong ay idinaos sa Washington DC.

 

 

Sa naturang courtesy call kay Pangulong Marcos, sinabi ni Austin na ‘looking forward’ ang Estados Unidos na palakasin ang bilateral relationship nito sa Pilipinas sa susunod na apat na taon, bago pa ang November elections. (Daris Jose)

Other News
  • Sec. Roque, walang ideya kung mag-State Visit ang Pangulo sa ilalim ng liderato ni US President-elect Joe Biden

    WALANG ideya si Presidential spokesperson Harry Roque kung may plano si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bisitahin ang Estados Unidos sa ilalim ng liderato ni President-elect (Joe) Biden bago matapos ang termino nito sa 2022.   “Wala po akong nalalaman ‘no at siyempre po iyan naman po ay sang-ayon din sa magiging imbitasyon nitong si […]

  • Senator Jinggoy Estrada, kumambiyo sa ban sa K-drama

    NILINAW ni Senator Jinggoy Estrada na wala siyang balak maghain ng panukalang batas para ipa-ban ang mga ­Korean dramas sa bansa at nais lamang sana niya na unahin ang mga Filipino ­talents na tangkilikin upang magkaroon sila ng trabaho.     Inamin din ni Estrada na naihayag lamang niya ang kanyang saloobin tungkol sa mga […]

  • El Niño nagsimula na – PAGASA

    PORMAL  nang nagsimula ang El Niño phenomenon sa bansa. Ito ang idineklara sa ginanap na briefing ng PAGASA kahapon at nagsabing naitaas na nila ang antas ng warning status mula El Niño Alert na ngayon ay El Niño Advisory. Ayon sa PAGASA, mahina pa ang kasalukuyang El Niño pero nagpapakita na ng mga senyales na […]