‘Big fish’ target ni Cascolan sa drug war
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
Target ng bagong upong hepe ng PNP na si Lt. Gen. Camilo Cascolan ang mga bigtime drug personalities sa bansa.
Ayon kay Cascolan, mas paiigtingin nila ang kanilang trabaho upang malambat ang mga indibiduwal o grupo na patuloy na nagsasagawa ng illegal drug operations.
Aniya, titiyakin niyang ang case build up ay gagawin at sisimulan sa maliit na drug pusher. Kailangan na magkakaroon ng koo-perasyon ang lahat upang matukoy at maaresto ang mga high value targets.
Batay sa huling datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), umaabot na sa 5,722 drug suspects ang napatay simula July 2016 habang 245,135 drug suspects ang naaresto.
Samantala, nagbabala si Cascolan sa mga pulis na kakasuhan ang sinumang lalabag sa qua-rantine protocols.
Matatandaan na umani ng batikos at naging kontrobersiyal ang mañanita ni NCRPO chief Police Major Gen. Debold Sinas dahil sa ipinagbabawal na mass gatherings dahil sa COVID-19 pandemic. (Ara Romero)
-
Japeth Aguilar, Adrian Wong ipinatatawag ng PBA hinggil sa video ng 5-on-5 game
Ipinatatawag ngayon sa PBA Commissioner’s Office sina Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at Adrian Wong ng Rain or Shine upang makuha ang kanilang panig tungkol sa umano’y paglabag sa umiiral na quarantine protocols. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nakatakda niyang pulungin sina Aguilar at Wong sa darating na Lunes matapos kumalat sa online […]
-
Kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal… Zubiri, nanawagan ng agarang modernisasyon ng AFP at PCG
DAHIL sa marahas na sagupaan noong Hunyo 17 sa pagitan ng Chinese Coast Guard at mga tropa ng Philippine Navy malapit sa Ayungin Shoal, binigyang-diin ng Dating Pangulo ng Senado na si Juan Miguel Zubiri ang kritikal na pangangailangan na imodernisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine Coast Guard (PCG). […]
-
PATAFA ‘di muna sisibakin si EJ sa national team
Pinakinggan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang kahilingan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Malacañang para maresolbahan ang kanilang isyu kay national pole vaulter Ernest John Obiena. Sa kanyang sulat kay PSC chief William ‘Butch’ Ramirez ay sinabi ni PATAFA chairman Rufus Rodriguez na ipagpapaliban nila ang pagsibak kay […]