• May 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Big-time oil price hike sisirit uli

ASAHAN  na ang pagpapatupad ng napakataas na dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

 

 

Nitong Sabado (Marso 5) sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na maaring pumalo sa P5.40 to P5.50 ang dagdag presyo sa kada litro ng diesel habang sa gasolina ay P3.40 hanggang P3.50 sa kada litro mula Marso 8 hanggang Marso 14.

 

 

Napalitan nito ang naunang pagtantiya ng mga kumpanya ng langis na nasa P4.00 lamang kada litro ang ipapataw na dagdag sa diesel at P3 sa kada litro ng gasolina sa susunod na linggo.

 

 

Kung matutuloy, ito na ang ika-10 sunod na linggong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

 

 

Una nang tiniyak ng Department of Energy (DOE) na ang nagaganap na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ay walang direktang epekto sa suplay ng langis sa bansa, kahit pa ang Russia ay isa sa pangunahing pinagkukunan ng langis.

Other News
  • Grab namumurong pagmultahin muli

    NANGANGANIB na pagmultahing muli ang ride-hailing company na Grab.     Ito ay dahil kulang pa umano ng P6 milyon ang total refund na ibinibigay ng Grab sa mga pasahero.     Ayon sa Philippine Competition Commission (PCC), nasa P25 milyon ang multa ng Grab at nagsimula ang refund case noon pang 2019.     […]

  • US VICE PRESIDENT Kamala Harris, DARATING SA PALAWAN

    SASALUBUNGIN ng Philippine Coast Guard (PCG) si United States (U.S.) Vice President Kamala Harris sakay ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) sa Puerto Princesa, Palawan sa Martes, 22 Nobyembre 2022.     Sinabi ni PCG Spokesperson, CG Commodore Armando Balilo, na magkakaroon ng briefing kay U.S. Vice President Harris sa kasalukuyang maritime operations ng coast guard […]

  • Ivana, kumikita sa YouTube kaya ‘di apektado ng pamdemya

    ISANG buwan na lang ay manganganak na ang Kapamilya star na si Ryza Cenon.   Nakapag-baby shower na rin ito virtually.   May team siya na kumuha ng mga video messages para sa partner niya na si Miguel Cruz at sa magiging baby boy nila. At sa mga nag-send din ng gifts for their baby. […]