• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bigas ang dapat pagtuunan ng pansin ngayon ng gobyerno upang humupa ang inflation – Salceda

BINIGYANG- DIIN ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Second District Representative Joey Salceda na bigas ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno sa ngayon upang mapahupa ang inflation sa bansa.

 

 

Pahayag ito ni Salceda matapos iulat ng Philippine Statistics Authority na sumipa sa 3.4 percent ang headline inflation rate nuong buwan ng Pebrero na mas mataas kumpara sa 2.8 percent noong Enero.

 

 

Sinabi ni Salceda, kung titingnan ay bumaba na ang presyo ng gulay, mais, asukal at utility bills habang ang inflation sa bigas ay tumaas sa 23.7 percent year-on-year.

 

 

Hindi umano solusyon sa ngayon ang pag-angkat ng mas marami lalo’t ang unang panahon ng anihan sa taong 2024 ay darating na sa Abril.

 

 

Ayon sa ekonomistang mambabatas dapat tiyakin ng Department of Agriculture na handa na ang post-harvest support ngayong buwan dahil nasa 12 hanggang 15 percent ang naitalang lugi rito.

 

 

Giit pa ni Salceda na “crucial” aniya ang susunod na tatlumpung araw kaya kailangan din na siguruhing matutugunan na ang logistics issues sa mga pantalan, farm-to-market roads at iba pang balakid sa suplay.

 

 

Naniniwala naman ang kongresista pagsapit ng Hunyo ay magiging stable na ang presyo ng bigas dahil posibleng humupa na ang “political pressure” ukol sa rice export ban sa India.

Other News
  • Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan, nagpasalamat sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines

    Nagpasalamat si Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines para sa Parlympics 2024 na nakatakdang magtapos bukas, Setyembre-8.     Ayon kay Gawilan, buo ang suportang natatangap ng team mula sa sports fans at mga opisyal ng bansa mula pa man noong naghahanda pa lamang ang mga ito […]

  • Buwanang fuel subsidy sa mga mangingisda

    ISINUSULONG  sa Kamara ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga municipal fisherfolk sa pamamagitan ng fuel voucher na hindi bababa sa P1,000 kada buwan.     Sa ilalim ng House Bill 8007 o “Pantawid Pambangka Act of 2023”, ang Department of Agriculture ay may mandating mangasiwa ng buwanang subsidy program.     Sa kabila na […]

  • Mga dawit sa multi-bilyong pisong iregularidad sa ahensiya, nailagay na sa pangalan ng iba -Sec. Roque

    KUMBINSIDO si Presidential spokesperson Harry Roque na nailagay na sa ibang pangalan ang mga ari-arian ng ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth ) na sangkot sa anomalya sa ahensiya.   Ito ang isiniwalat ni Presiden- tial spokesperson Harry Roque batay na rin aniya sa naikasa na nilang lifestyle check bago pa lumabas ang […]