• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BILANG NG MGA NAG-APLAY NG NEGOSYO SA MANILA LGU TUMAAS NG 42%

IBINIDA ng Bureau of Permits kay Mayor Isko Moreno Domagoso na tumaas ng 42% ang nag-aplay ng kanilang mga negosyo sa lungsod ng Maynila sa kabila ng kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19 sa bansa.

 

Ayon kay Bureau of Permits Director Levi Facundo, nasa 911 bagong negosyo ang nagpatala ngayong taon 2021 mula Enero 1 hanggang Pebrero 7 para sa aplikasyon at pag-renew ng kanilang mga business permit.

 

Batay sa rekord ng Bureau, nasa 642 lamang ang nagbukas ng bagong negosyo noong taon 2020 habang nasa 480 bagong negosyo ang nag-aplay noong 2019 sa parehong panahon.

 

Gayunpaman, sinabi ni Facundo na bahagyang bumaba ang bilang ng mga nag-renew ng kanilang business permit ngayong taon kung saan umabot lamang ito ng 44,526. Ito ay 10.8% na mas mababa kumpara sa 49,956 na mga nag-renew ng kanilang permit noong 2020, habang ito ay 6% na mas mababa kumpara sa 47,553 na pag-renew sa 2019.

 

Ayon kay Facundo, isa sa mga dahilan sa pagtaas ng nasabing bilang ay ang mga programa na inilunsad ng lokal na pamahalaang lungsod ng Myanila upang suportahan ang mga lokal na negosyong lubhang naapektuhan ng pandemya.

 

“I believe that the more activity we do for the businesses will result to more productivity. Most of these new businesses are fruits from previous events,” ani Facundo. (GENE ADSUARA)

Other News
  • UTOL NG KAGAWAD KULONG SA DROGA

    BAGSAK sa kulungan ang kapatid ng isang barangay kagawad matapos makuhanan ng mahigit P40,000 halaga ng illegal na droga makaraang masita dahil walang suot na face mask sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Caloocan City Police chief P/Col. Samuel Mina ang naarestong suspek na si Zandro Reyes, 48, construction worker ng […]

  • IATF, bukas sa mungkahing gawin ng 80 to 100% ang mga manggagawang nasa isang workplace

    BUKAS ang Inter-Agency Task Force sa naging panukala ni Presidential Adviser Joey Concepcion na dagdagan na ang capacity sa mga work place.   Ito’y kapag 80% porsiyento na ng isang establisimyento ang nabigyan na ng bakuna laban sa COVID-19.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang natatalakay na ganitong usapin sa IATF pero […]

  • Wala sa charter ng MMDA na mag-conduct ng isang film festival: VIVIAN, may panawagan na ibigay ang pamamahala ng Metro Manila Film Festival sa FDCP

    FAST worker talaga si direk si Louie Ignacio.     He just finished shooting the movie titled Influencer mula sa 3:16 Productions ni Madam Len Carillo.     Bida sa pelikula ang tinaguriang Pandemic Superstar na si Sean De Guzman. Leading lady naman niya si Cleo Barretto.     Ang script ay isinulat ni Quinn […]