• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Billy, pinararating na gusto lang nilang maka-inspire at makatulong

NGAYONG nasa TV5 na si Billy Crawford ay dalawa agad ang shows niya, ang daily na Lunch Out Loud at weekend Masked Singer Pilipinas na parehong produced ng Brightlight Productions.

 

Kaya parang wala namang nabago sa trabaho ni Billy d dahil nu’ng nasa ABS-CBN siya ay dalawa o tatlo ang programa (It’s Showtime, Pilipinas Got Talent at ASAP Natiin ‘To) niya at isang daily at weekends pa kaya nga tinutukso siya noon na laman siya ng telebisyon.

 

Noong wala pa silang anak ni Coleen Garcia-Crawford ay puwede ang maraming shows, pero ngayong may anak na sila at si Billy ang duty sa gabi ay paano niya hahatiin ang oras para sa anak, asawa at sa trabaho.

 

Sa virtual mediacon ng ‘Bigger Better BER-months’ para sa Lunch Out Loud ay ipinaliwanag ni Billy ay napagplanuhan na niya kung paano aayusin ang oras niya.

 

“Ang pinakaimportante, I get to manage my time. Alam n’yo po, ‘yung taping hours naman po, hindi katulad ng dati, kasi we still have to abide by all the rules and regulations about the swabbing.

 

“Alam n’yo ‘yung pag nasa trabaho ka, kahit katutuntong mo lang du’n, uwing-uwi ka na dahil gusto mo lang siyang makuha or mayakap or mapa-burp man lang.

 

“Pero ‘yun ‘yung ilang mga sakripisyo na kailangan pong gawin ng isang tatay para matawid nang maayos ‘yung pangarap ng anak namin.”

 

Usaping It’s Showtime ay hindi maiwasang hindi tanungin si Billy na sa ayaw at sa gusto niya ay makakatapat niya ang dati niyang programa lalo’t nasa Free TV na rin ngayon sa A2Z Channel 11.

 

“We’re not trying to compete, hindi po kami nakikipagkumpetensiya dahil may mga talagang sobrang nauna na po sa amin talaga. ‘Yan po ang ‘Eat Bulaga’, pati na rin ang ‘It’s Showtime’.

 

“We just want to add more fun and we just want to send more love out there and hopefully, inspire people, lahat ng nanonood po, na makatulong po tayo. Magsama-sama at magkaisa po. ‘Yan po ang gusto naming iparatingin sa buong mundo na unity is more important and humility,”katwiran ni Billy.

 

Anyway, bukod kay Billy ay kasama rin sina Bayani Agbayani, Ariel Rivera, Wacky Kiray, K Brosas, KC Montero, Macoy Dubs at Alex Gonzaga, sa Lunch Out Loud na mapapanood na sa TV5 simula sa Lunes (October 19) hanggang Sabado. (REGGEE BONOAN)

Other News
  • Air passengers kailangan ng may contact-tracing app

    ANG mandatory na contact tracing app na tinatawag na Traze ay kailangan ng gamitin ng mga pasahero na maglalakbay gamit ang mga airports sa bansa.   Sinimulan ang contact tracing na Traze noong November 28 kung saan pinagtulungan itong gawin ng Philippine Ports Authority (PPA) at Cosmotech Philippines Inc. Ang Traze ay isang nationwide at […]

  • Pagtanggal ng pagtuturo ng ‘mother tongue’ bilang asignatura, hindi pa pinal – Department of Education

    NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi pa pinal ang pagtanggal ng pagtuturo ng mother tongue o sariling dialect bilang asignatura.     Ito ay dahil kasalukuyang nakabinbin pa ang paglalabas ng final curriculum para sa Kinder to Grade 10 (K-10) program.     Ginawa ni DepEd spokesperson Michael Poa ang naturang pahayag kasunod […]

  • Andrea, walang balak isa-publiko ang detalye ang break-up nila ni Derek

    NAGBIGAY na ang Kapuso actress na si Andrea Torres ng kanyang short statement noong November 20, tungkol sa break-up nila ni Derek Ramsay.         Ayon sa statement ni Andrea na pinadala sa GMANetwork.com.         “Yes, Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give […]