Bilyong MRT7 project, inaasahang fully operational na sa 2023 – DOTr
- Published on May 27, 2022
- by @peoplesbalita
INAASAHANG magiging fully operational na ang P68.2 billion Metro Rail Transit Line 7 (MRT7) project sa susunod na taon.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy Batan, kasalukuyang 65% na ang natatapos sa naturang proyekto na magpapaiksi ng oras ng biyahe mula North Avenue, Quezon City patungong San Jose del Monte, Bulacan mula sa 2 oras ay magiging 30 minuto na lamang.
Inaasahang masimulan ang partial operation ng tren sa Disyembre ng kasalukuyang taon.
Ang MRT-7 ay mayroong anim na train sets na binubuo ng 18 train cars na idineliver sa bansa noong Disyembre 2021.
Ayon sa DOTr nasa 800,000 pasahero kada araw ang passenger capacity ng naturang tren at inaasahang sa unang taon nito ay aabot sa 300,000 pasahero ang maseserbisyuhan ng MRT7.
-
MRT 4 magdudulot ng 73,000 na trabaho para sa mga Filipinos
Inaasahang magbibigay at magdudulot ng 73,000 na direct at indirect na trabaho sa mga Filipinos ang pagtatayo ng Metro Rail Transit Line 4 (MRT4) na siyang magdudugtong sa Eastern part ng Rizal at Metro Manila. Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa signing ceremony noong nakaraang Biyernes sa Rizal Provincial […]
-
Anti-terror bill, pirmado na nila Sotto, Cayetano
Ipinadala na sa Malakanyang kahapon, Hunyo 9, Martes ang panukalang Anti-Terrorism Act, ayon ito kay Senate President Vicente Sotto II . Kinumpirma nitong pinirmahan na niya ang panukala. Maging si House Speaker Alan Peter Cayetano ay lumagda na rin kagabi. “Alan signed last night. Sending it to President Rodrigo Roa Duterte this morning,” […]
-
Pinas, handa kay Mawar
NAKAHANDA ang gobyerno sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar sa oras na pumasok na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naghahanda ang pamahalaan para sa posibleng epekto ng bagyo sa hilagang bahagi ng bansa at maging sa iba pang lugar. “Pinaghahandaan din […]