Binata na gumagala habang armado ng baril sa Malabon, kulong
- Published on December 11, 2024
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang kelot matapos inguso sa pulisya na may bitbit na baril habang pagala-gala sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Leo”, 20, ng Brgy. Longos.
Batay sa imbestigasyon nina PMSg Mardelio Osting at PSSg Sandy Bodegon, bago ang pagkakaaresto sa suspek ay nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa isang lalaki na armado ng baril habang gumagala sa Labahita Street, Brgy. Longos na nagdulot ng pangamba sa mga tao sa lugar.
Kaagad nirespondehan ng mga tauhan ni SIS chief P/Capt. Richell Siñel ang naturang lugar kung saan nakita nila ang suspek na may hawak na baril sa kanyang kanang kamay dakong alas-2:50 ng hapon.
Maingat nilapitan ng mga operatiba ng SIS ang suspek saka sinunggaban at nakumpiska sa kanya ang hawak na isang caliber .38 revolver na kargado ng tatlong bala.
Nang wala siyang maipakitang kaukulang papeles hinggil sa legalidad ng naturang baril ay binitbit ng pulisya ang suspek para sampahan ng kasong paglabag sa R.A.10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act). (Richard Mesa)
-
Ilang Cabinet, PSG members nauna na sa bakuna
Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ilang miyembro ng Gabinete at Presidential Security Group (PSG) ang nabakunahan na laban sa COVID-19. Ito’y kahit pa sinabi na ng Food and Drugs Administration (FDA) na wala pa silang COVID-19 vaccine na inaaprubahan sa Pilipinas. Gayunman, tumanggi si […]
-
Mga eba aawra na sa WNBL
BINUNYAG ng Women National Basketball League (WNBL) ambassadress na si Maria Beatrice ‘Bea’ Daez-Fabros na atat na ang mga kapwa ebang baller na may mga edad 18-40 anyos para sa 1st WNBL preseason tournament darating na sa Enero 2021. “It’s about time. For all female ballers this has always been a dream — to […]
-
CHRISTIAN, umaming muntik nang iwan ang showbiz at magsimula sa Amerika; nabago ang plano dahil sa ‘Big Night’
MUNTIK na palang iwan ni Christian Bables ang showbiz para magsimula ng buhay sa Amerika dahil sa pandemya. Nagkaroon ng anxieties ang aktor at pakiramdam niya ay wala na siyang panghahawakan na career noong matigil ang showbiz industry dahil sa mahabang lockdown. Pero nabago raw ang lahat nang maging official entry […]