Binay inireklamo na sa Ethics si Cayetano
- Published on July 10, 2024
- by @peoplesbalita
PORMAL nang naghain ng reklamo si Sen. Nancy Binay laban kay Sen. Alan Peter Cayetano nitong Lunes sa Senate Committee on Ethics and Privilege.
Partikular na inireklamo ni Binay ang pagtawag sa kanya ni Cayetano ng ‘marites’, isang popular na tawag ng mga Filipino sa mga tsismosa.
Binanggit din ni Binay ang akusasyon sa kanya ni Cayetano na nanggugulo sa pagdinig ng Senate committee on accounts tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa New Senate Building.
Inilagay din ni Binay sa kanyang reklamo ang pagtawag sa kanya ni Cayetano ng “buang.”
“Paulit-ulit na tayo kanina pa na P21.7 billion. Nabuang ka na ‘day,” sinabi ni Cayetano kay Binay sa pagdinig.
Sinabi ni Binay na maliwanag sa Senate Rules na ituturing na “unparliamentary” ang paggamit ng mga nakakasakit na mga pananalita laban sa kapwa senador o anumang public institution.
Nilabag umano ni Cayetano ang Section 93 at 94 ng Rule 34 na nagbabawal sa paggamit ng unparliamentary act at languages sa pamamagitan ng kanyang mga statements sa public hearing noong Hulyo 3, 2024 at Republic Act No. 9710 o Magna Carta of Women.
Nauna rito, sinimulan ni Cayetano ang pag-iimbestiga sa New Senate Building matapos ipag-utos ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pagrepaso sa halaga ng konstruksyon nito, na sinasabing aabot sa mahigit na P23 bilyon.
Sa panayam, sinabi ni Binay na hindi na niya papalampasin ang mga banat sa kanya ni Cayetano.
“Hindi lang ito tungkol sa akin. Nanay ako. May mga anak ako at alam ko ang mga pinagdaanan ng mga bata noong tinitira niya ‘yung pamilya ko noong 2015 and parang during this time, I cannot let it pass anymore,” ani Binay. (Daris Jose)
-
Halos 10K pasaway sa GCQ nasakote sa Navotas
UMAABOT na sa 9,714 ang mga dinampot na mga lumabag sa mga patakaran ng General Community Quarantine (GCQ) ayon sa Navotas City Police. Bumida sa mga pasaway ang 5,269 dinampot dahil sa hindi pagsusuot o hindi wastong pagsusuot ng face mask at 3,503 lumabag sa curfew hours. 512 naman ang mga hindi sumunod […]
-
Show cause orders, ipinalabas laban sa 48 LGUs
IPINALABAS na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang show cause orders laban sa 48 local government units para sa mabagal na distribusyon ng cash aid o ayuda para sa mga Typhoon Odette survivors. Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Martes, sinabi ni Año na hiniling niya […]
-
JENNICA, tinatarayan ang mga bashers na nag-iisip na gumigimik lang sila ALWYN
ANG haba ng paliwanag ni Jennica Garcia sa kanyang Instagram account dahil sa isa o dalawang netizens na kinontra ang post niya. Nag-post kasi si Jennica na tipong isinama siya ng tropa niya, pero parang sa couple’s trip daw pala at siya lang ang walang lovelife. Madali naman talagang mai-imply ng […]