• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Birthday party, nagmistulang concert sa rami nang kinanta: GLADYS, ‘di napigilang maluha nang maalala ang pumanaw na ama

BUKOD-TANGING ang actress na si Gladys Reyes lang talaga ang makakapag-pull-off ng party na tulad ng ginawa niya for her 45th birthday.

 

 

Talagang na-entertain ang mga bisita niya dahil nagmistulang concert ang party niya. Mahigit 15 songs yata ang sunod-sunod na pinerform niya, aside pa sa mga kantang kasama niya ang bestfriend na si Carmi Martin, anak na si Christophe at siyempre, ang singlahoop na kasama naman niya ang Mama Zeny niya at kapatid na si Janice.

 

 

Sey nga ni Gladys sa mga bisita, “Naisip ko, since mga bisita ko naman kayo, wala kayong magagawa kung hindi makinig ng mga kanta ko. Ha ha ha!”

 

 

Pero in fairness talaga, hindi man siya singer, pero kalkulado at na-pull-off niya ang mga songs. At nagbunga pa ang pag-videoke niya during pandemic sa Facebook, siya ang kinuhang endorser ng Wow Fiesta Melody.

 

 

Ayon kay Gladys, alam ng lahat na mahilig niyang bigyan ng mga bonggang party ang apat na anak, pero siya sa sarili, hindi. Pero nitong pandemic, na-realize raw niya na life is short talaga, kaya dapat lang na i-celebrate.

 

 

Nagpapasalamat din siya dahil kahit pandemic, maraming blessing na dumating sa kanila. Yung mga food business nilang mag-asawa na si Christopher Roxas na bukod sa Sommereux Catering, meron na rin silang Meat Entertainment at Sonyer Restaurant.

 

 

Though, hindi napigilan ni Gladys na maging emosyonal at maluha nang kausap namin kahit pinipigilan niya nang mabanggit ang ama na namatay last year.

 

 

Sa isang banda, bongga si Gladys dahil ngayong birthday niya, niregaluhan siya ng bagong van ni Chistopher. At after na hindi tumanggap ng kahit anong teleserye dahil sa lock-in, balik taping na rin siya sa GMA-7’s “Underage.”

 

 

***

 

 

SA July 4 na ang pilot sa GMA Primetime ng 3 years in the making na fantasy series na “Lolong” na pinagbibidahan ng Kapuso actor na si Ruru Madrid.

 

 

Si Lolong ay ang kuwento ng buwaya kunsaan, sa ginanap na online mediacon, binigyang diin na niya na hindi magta-transform sa pagiging buwaya ang character niya.

 

 

Pero tinanong namin siya kung may naging “buwaya” na ba sa buhay niya. At sey niya, “Yung Lolong sa buhay ko, siguro po, ito yung mga pagsubok na pinagdadaanan ko. ‘Yan kasi ang mga tipong kailangan kong pagdaanan para magtagumpay ako.

 

 

“Sabi nga nila, it’s not the destination, it’s the journey. Kumbaga, kahit na napakahirap ng pinagdaanan mo, kung hindi mo nanamnamin ‘yon, parang wala rin kahit makarating ka sa dulo.

 

 

“For me, dapat na pahalagahan lang natin kung ano ang meron tayo.”

 

 

Emotional si Ruru sa “Lolong” dahil sa matitinding pinagdaanan niya sa pagkakagawa nito, mula ito sa GMA News and Public Affairs.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • RCB Basilan 5-Cockfest, balik-tukaan

    MAGBABALIK ang mga serye ng mga ‘Big Event’ cockfest sa Pasay City Cockpit sa pamamagitan ng RCB Basilan 5-Cock Derby sa Biyernes, Marso 13 na may 40 sultada.   Patuka ito ni Ronald Barandino ng Basilan, ang 2012 World Slaher Cup champion, at mga itataguyod naman ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.   Kalahok din […]

  • $14-B investments, naisakatuparan mula sa Marcos’ trips- DTI

    TINATAYANG 46 proyekto na nagkakahalaga ng $14.2 billion sa foreign investments ang naikatuparan mula sa byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iba’t ibang bansa sa nakalipas na 16 na buwan.     Tinukoy ng Presidential Communications Office (PCO) ang data mula sa Department of Trade and Industry (DTI), lumalabas na may kabuuang $72.2 billion […]

  • Tentative list ng mga kandidato para sa 2022 polls inilabas na ng Comelec

    Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 29, ang tentative list ng mga kandidato para sa national at local elections sa 2022.     Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na maari nang makita ang tentative list ng mga kandidato para sa halalan sa susunod na […]