• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bise Presidente Robredo, sinamahan ang mga boluntaryong Bulakenyo sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan

LUNGSOD NG MALOLOS- Sinamahan ni Bise Presidente Maria Leonor “Leni” G. Robredo ang libu-libong boluntaryong Bulakenyong Mother Leader at Lingkod Lingap sa Nayon mula sa Una at Ikalawang Distrito sa pagdiriwang ng International Women’s Month sa kanilang pagtitipon na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito noong Sabado.

 

 

Sinalubong ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng ehekutibo sa bansa ni Gobernador Daniel R. Fernando at Bokal Alexis Castro sa Kapitolyo ng Lalawigan.

 

 

Sa kanyang mensahe, inihalintulad ni Robredo ang kanyang tungkulin bilang ina sa kanyang mandato sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo.

 

 

“Alam n’yo po ‘yung opisina namin, ‘yung Office of the Vice President, napakaliit lang ng aming pondo, napakaliit ng aming mandato. Pero dahil isang nanay po ako na sanay na naghahanap ng paraan, sanay na nagba-budget ng pera, sanay na pinagkakasya ang pera, kahit po napakaliit ng pondo namin, marami po kaming natulungan sa buong bansa,” anang bise presidente.

 

 

Pinarangalan rin niya ang mga sakripisyo ng mga ina, na ayon sa kanya, ay ramdam rin ang kanyang karanasan na magtrabaho ng 18 oras sa isang araw.

 

 

“Kayo pong nandirito, alam n’yo na tayong mga nanay, ‘pag umaga tayo ang pinakaunang gumigising para siguraduhin natin na ‘yung mga anak at mga asawa natin bago pa man magsimula ang araw nakahanda na ang lahat para sa kanila. Magta-trabaho tayo maghapon, tutulong tayo sa komunidad, pagdating ng gabi, kahit pagod na pagod tayo, tayo pa rin ang pinakahuling matutulog,” ani Robredo.

 

 

Sa kanyang bahagi, pinuri ni Fernando ang malaking papel ng mga boluntaryo sa lalawigan sa laban sa COVID-19.

 

 

“Kayo ang ating mga buhay na bayani. Ako po ay lubos na humahanga sa inyong dedikasyon at sakripisyo lalo na sa panahon ng pandemya. Masasabi ko po na walang kapantay ang inyong ipinamamalas na pagganap sa tungkulin bilang volunteers and frontliners ng ating lalawigan sa maraming hamon na ating pinagdaanan,” anang gobernador.

 

 

Ipinangako rin niya na itutulak ang karapatan at isyu ng mga kababaihan sa mga agenda ng pamahalaan.

 

 

Samantala, sinamahan si Robredo ng Bulakenyong mambabatas at muling tumatakbong senador na si Sen. Joel “Tesdaman” Villanueva.

Other News
  • Roach hanga kay Marcial; gold sa Olympics, makukuha

    KUMPIYANSA si Hall of Fame trainer Freddie Roach na masusungkit ni Pinoy boxer Eumir Marcial ang inaasam nitong gintong medalya sa Olympics.   Kasalukuyang nasa Los Angeles si Marcial upang hasain ang kanyang boxing talent sa ilalim ni Roach para sa paparating nitong professional debut fight at sa pagsabak nito sa 2021 Olympics.   “Eumir […]

  • Price Act, dapat nang amyendahan

    NAIS  ng isang mambabatas na amyendahan ang 31-taon ng batas na Price Act upang maitaas ang parusa at multa laban sa mga hoarders at mapagsamantalang mangangalakal ng bigas at mais.     Sa House bill 7970, nais ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan na maitaas sa 40 taong pagkabilanggo ang parusa sa naturang […]

  • DILG binalaan ang mga kandidato bawal ang anumang ‘physical contacts’ sa kampanya

    BINALAAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga kandidato hinggil sa iba’t ibang uri ng physical contact lalo at nalalapit ang pagsisimula ng campaign period para May 2022 elections.     Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, anumang physical contacts na lumalabag sa Minimum Public Health Standards ay […]