• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Black tamang sundan ang ama

MUKHANG hindi nagkamali si Aaron Black na sundan ang kanyang ama na maging basketball player din.

 

Tila naging pamantayan ng anak ni Meralco Bolts coach Norman Black, na lahat ng mga baguhan may pagkakataong ipakita ang husay magtiyaga’t magsipag lang, may mararating din ura-urada.

 

Tinanghal si Aaron na pinakamababang pick, second round, 18th overall na nagwagi ng Outstanding Rookie sa Virtual 45th Philippine Basketball Association (PBA) Annual Awards Night nitong Linggo, Enero 17.

 

Ineklipsehan ng 23 taong-gulang, may taas na 6-1 ang rekord ni Larry Fonacier ng North Luzon Expressway na naging 2005 Rookie of the Year makalipas huguting ika-14 sa PBA Rookie Draft ng Red Bull.

 

Malimit mapagwagian ng isang top rookie pick ang karangalang isang ulit lang napapanalunan ng basketbolista.

 

Sinorpresa ni Aaron sina 2019 top pick Roosevelt Adams ng Terrafirma Dyip, Arvin Tolentino ng Barangay Ginebra San Miguel Gin iIngs, Kevin Barkley Eboña ng Alaska Milk Aces, at Aris Dionisio ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

 

Hindi rin pinakawalan ni Aaron ang pambihirang tiwala ng kanyang amang si Norman, 63, ang 11-time PBA champion coach, at two-time Best Import nang kabataan niya sa liga.

 

“It was a big motivational factor for me,” wika ng nakababatang Black. “Being drafted in the second round as well as playing for my dad, that’s a big thing.

 

Saludo ang Opensa Depensa sa iyo Aaron. Pamarisan ka ng mga susunod sa iyo. (REC)

Other News
  • Padrino system, no way sa DMW sa harap ng target nitong makapag-hire ng may 1 libong personnel ngayong taon

    IGINIIT ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na no way sa kanila at hindi uubra  ang padrino system sa  harap ng 1 libong mga bakanteng posisyon na kanilang bubuksan ngayong taon.     Sinabi ni Ople na  sa kuwalipikasyon ng isang aplikante sila titingin upang ito ay kunin para maging bahagi ng DMW.   […]

  • Walang trabaho sa Pilipinas lumobo sa 2.37 milyon

    LALO pang tumindi ang kawalang trabaho sa Pilipinas sa pagpasok ng 2023 matapos umabot sa 4.8% ang unemployment rate nitong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority.     Kapansin-pansing mas mataas ito kumpara sa nasa 4.3% lang noong Disyembre 2022 sa nakaraang Labor Force Survey ng gobyerno.     “Unemployment rate in January 2023 was […]

  • Sumagot ang cast sa ‘ultimate fan reactions’: ‘My Plantito’, higit 54 million views kaya may hirit na Season 2 sina KYCH

    ILANG araw makalipas ang pagtatapos ng popular na serye sa Tiktok na My Plantito, damang-dama pa ng fans ang pagkasabik mula sa emosyonal na tila rollercoaster na pag-iibigan nina Charlie at Miko.     Wala ngang duda, nakuha ng palabas ang atensyon ng mga manonood hindi lamang dahil sa nakatutuwang kuwentong boy-love, pati na rin sa mga plot twist na naglatag […]