Bong Go: Walang oras, minuto na masasayang sa aking serbisyo
- Published on November 17, 2021
- by @peoplesbalita
“Mahal ko ang aking kapwa Pilipino, gusto ko pong magserbisyo sa kanila at pangako ko sa inyo, walang isang oras, walang minuto na masasayang, magseserbisyo ako sa inyong lahat!”
Ito ang ipinangako ni Senator Christopher “Bong” Go na naghain noong Sabado ng kandidatura bilang standard-bearer ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan sa May 2022 presidential elections.
Si Go ay personal na sinamahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections main office sa Intramuros, Maynila.
Ipinaliwanag ng presidential aspirant na kinakailangan niyang umangat ng posisyon para matiyak ang tuluy-tuloy na reporma at mga programa ng Duterte administration.
Nangako siya na magsisilbi upang maging tulay sa pagitan ng pamahalaan at sambayanang Filipino—partikular ng mahihirap, nawawalan ng pag-asa at walang malapitan—na matutugunan ang kanilang mga pangangailangan at hinaing.
Nagdesisyon si Go na tumakbong Pangulo matapos maghain si Davao City Mayor Sara Duterte na kandidatura sa vice presidency sa ilalim ng Lakas-CMD party.
Nangako siya na puspusang magtatrabaho para ma-accomplish ang mga nalalabing plano ni Pangulong Duterte na magbebenepisyo sa sambayanang Filipino.
Idiniin ni Go na kanyang ipagpapatuloy ang krusada ng Pangulo laban sa illegal drugs, kriminalidad at katiwalian.
“Ang puwede ko pong mai-offer sa kanila, ang puwede ko lang mai-offer sa Pilipino, ‘yung sipag ko po at pagseserbisyo sa aking kapwa Pilipino. ‘Yung totoong malasakit po, ‘yun lang” patuloy ni Go.
“Hintayin niyo na lang po kung resulta lang po. Kung trabaho ang pag-uusapan, bagama’t tatlong taon lang po akong senador, pero iyong nakikita ko pong ginagawa ni Pangulong Duterte na sakripisyo para sa bayan, sino pong magpapatuloy? Iyon po ang ipagpapatuloy ko,” idiniin niya. (Gene Adsuara)
-
Order na bakuna na Astrazeneca ng mga LGU, sa isang taon pa darating
SINABI ng Malakanyang na posibleng sa isang taon pa darating ang bultong order ng pamahalaan na UK made vaccine na Astrazeneca. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng inisyatibo ng maraming lokal na pamahalaan na pondohan na din ang pag-angkat ng bakuna na karamihan sa preferred brand ay Astrazeneca. Sa 2022 […]
-
4 na empleyado, ayaw mag-overtime, ikinulong sa loob ng warehouse
INARESTO ang dalawang Chinese national at may-ari ng isang kumpanya matapos na ireklamo ng mga empleyado nito na “ikinulong” sa loob ng kanilang warehouse upang mapilitang mag-overtime sa Kawit, Cavite. Kasong illegal detention ang isinampa laban kina Qinghui Qui, 37 at Bin Chen, 32, kapwa Chinese national at Operations Manager ng Dan Chang Company […]
-
Base sa mga photos na pinost sa Instagram: CARLO at CHARLIE, pinagdududahang may relasyon kaya todo-react ang mga netizens
PINAGDUDUDAHAN ng mga netizens kung mayroon na ba o namumuo pa lang relasyon sina award-winning actress Charlie Dizon at award-winning actor na si Carlo Aquino? Ang Kapamilya actress mismo ang nag-upload ng photos na kung saan katabi niya si Carlo na kapansin-pansin na nakahawak pa sa kanyang hita. Habang nasa balikat naman ng […]