• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Boxing at weightlifting tinapyasan sa Olympics

BINAWASAN ng bilang ang dalawang sport – boxing at weightlifting – para sa 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris, France.

 

Nangangahulugan ang drastikong hakbang ng International Olympic Committee (IOC) ang pagliit ng bilang sa 329 gold medals na lang ang mga paglalaban sa quadrennial sportsfest.

 

Mas mababa na ito ng 10 medalyang ginto sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na ni-reset lang sa Hulyo 2021 dahil sa Coronavirus Disease 2019 pandemic.

 

Bale apat na gold ang binaklas sa weightlifting, indikasyon sa pagkabanas ng IOC sa may kasalukuyang gulo na International Weightlifting Federation (IWF) sa bawal na droga at korapsyon. Lalabas na 120 lifters (athlete at officials) na lang ang makakapunta sa Paris.

 

Wala na sa kalahati ito sa mga bumahagi sa 31st Summer Olympic Games 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil kung saan nakamit ng ating kalahi na si Hidilyn Diaz ang silver medal.

 

Namemeligro ring tuluyang makalos ito sa kalendaryo ng tuwing apat na taong pinakamalaking paligsahan sa mundo dahil na rin sa malalang nabanggit na problema.

 

Apektado rin ang boxing dahil sa malaking bilang ang malalagas sa athlete quota na 10,500 sa 2024 Games. Lampas sa 600 katao ang mawawala hambing sa mga sasali sa Tokyo Olympics.

 

Dahil sa korapsyon at dayaan sa mga labanan ang kinaiinis din ng IOC sa International Boxing Association (AIBA) kaya sinuspinde ito noon pang isang taon. Isinaalang-alang na lang ang kapakanan ng mga boksingero kaya may boxing pa rin sa Tokyo at Paris.

 

Sana umayos na ang IWF at AIBA para hindi naman tuluyang mabura ang weightlifting at boxing sa mga parating pang Olympics.

Other News
  • 60 dating drug users nagtapos sa rehab program ng Navotas

    UMABOT sa 60 persons who used drugs (PWUDs) ang nagtapos sa Bidahan, ang community-based treatment and rehabilitation program (CBDRP) ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.     Kasama sa Bidahan ang anim na buwan ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at isa pang anim na buwang aftercare.     Kasama sa batch ng rehab completers ang […]

  • Ads October 5, 2020

  • Arrest warrant, maaaring iisyu ng ICC laban sa mga opisyal ng gobyerno ng PH – SolGen

    MAAARI umanong mag-isyu ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra.     Subalit nilinaw naman ng SolGen na ibang usapin ang pagpasok ng mga imbestigador ng ICC sa teritoryo ng Pilipinas kayat mahalaga ang kooperasyon nito sa pamahalaan.     […]