Boyfriend ni NADINE na si CHRISTOPHE, itinangging ‘engaged’ na sila
- Published on November 16, 2024
- by @peoplesbalita
MARAMI ang nagtanong na netizens kung engaged na nga ba si Nadine Lustre at ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Cristophe Bariou?
Matapos ngang i-post ng premyadong aktres ang love notes sa kanya ni Christophe.
“Can’t wait to discover and conquer the world with you,” ito ang nakakikilig na hand-written note kay Nadine.
Caption naman ni Nadine sa kanyang post, “Man, oh man, you’re my best friend I scream it to the nothingness. ”
Pero paglilinaw si Christophe sa pamamagitan ng Instagram Live ni Nadine, “We’re not engaged.”
Ang naturang video ay sinabi ng aktres na, “And before we leave, one last thing…”
“We’re not engaged!” Sabi ni Christophe.
MAKALIPAS ang limang taon, mapapanood muli ang tambalang Alden Richards at Kathryn Bernardo sa “Hello, Love, Again” na binigyan ng PG rating ng Movie and Television Review and Classification Board MTRCB) galing kina MTRCB Board Members Katrina Angela Ebarle, Eloisa Matias at Maria Carmen Musngi.
Nabigyan din ng PG rating ang unang bersiyon nito noong 2019.
Sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, ang pelikula’y iikot sa muling pagkikita nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) sa Canada at mapagtanto nila ang malaking pagbabago sa kani-kanilang buhay.
Rated PG din ang post-apocalyptic thriller na “Elevation,” na hango sa istorya ng isang ama na ginawa ang lahat para mailigtas ang kanyang anak.
Sa PG, kailangang may kasamang magulang o nakakatanda ang mga batang manonood na edad 12 at pababa.
R-16 naman ang “Sana: Let Me Hear” mula Japan dahil sa katatakutan na hindi bagay sa mga edad 15 at pababa.
Hinikayat ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang pamilyang Pilipino na magpakasaya sa mga pelikulang nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Ahensiya.
“Ating ipinapaalala sa mga magulang na responsableng gabayan ang mga bata sa panonood,” sabi ni Chair Sotto-Antonio. “Hubugin natin ang kanilang kaisipan sa tamang direksiyon sa pamamagitan ng pagsuporta sa pagpili nila ng mga pelikula na angkop sa kanilang edad.”
(ROHN ROMULO)
-
DINGDONG, pinaliwanag kay ZIA na kailangang maging healthy para sa pamilya nila; MARIAN, ‘di rin nagpapahuli sa pagwo-workout
LAST Monday, nag-post uli si Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account sa ginagawa niyang daily work-out na sinimulan niya noong Febuary this year. At 40, gusto talagang ma-maintain ni Dingdong ang malusog at hindi lang basta magandang pangangatawan. Sa post ng Kapuso Primetime King, may ibinahagi siya sa pagtatanong ng panganay […]
-
Presyo ng face masks na binebenta sa gobyerno, sisirit: DTI
MAGTATAAS ng presyo ng face mask ang lokal manufacturer sa bansa kasabay ng pagtaas ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas. Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na bunsod ito ng ilang mga market factor. “They gave us [the face masks] at a low price. Bago pa tumaas […]
-
Pinas, pag-aaralan ang COVID-19 vaccination para sa mga kabataang 5 taon pababa
PAG-AARALAN ng Pilipinas ang posibleng pagbabakuna sa mga kabataan na 5 taon pababa laban sa COVID-19. “Aaralin nang husto. Depends sa studies abroad and if may vaccines although some include below 5 years old. We will see sino may EUA (emergency use authorization) at ano ire-recommend ng HTAC (Health Technology Assessment Council),” ayon […]