Broadcaster na si Ka Percy Lapid, patay sa pamamaril sa Las Piñas
- Published on October 5, 2022
- by @peoplesbalita
BINAWIAN ng buhay ang beteranong komentarista sa radyo na si Percival Mabasa (mas kilala sa tawag na Ka Percy Lapid) sa Las Piñas City matapos pagbabarilin, pagkukumpirma ng Philippine National Police at mga kasamahan niya sa media.
Lunes ng gabi nang iulat ng DWIZ broadcaster Marou Sarne, bandang 8 p.m., nang pagbabarilin si Mabasa ng dalawang nakamotorsiklo habang papunta sa BF Resort Las Piñas kung saan siya dapat mag-o-online broadcast.
“One of the famous commentators on radio and a former broadcaster of DWIZ 882 KHZ AM, Percy Lapid, was ambushed and died in Las Piñas City at past 8 this evening,” ani Sarne kagabi.
“His KBP ID and other cards named PERCIVAL MABASA were retrieved from his vehicle. He was alone in his vehicle. Rest in peace, Ka Percy. 10.03.2022.”
Kahapon lang ay sinasabing nakapag-upload pa siya sa kanyang Youtube page ng komentaryo laban sa red-tagging, bagay na inere sa kanyang programang “Lapid Fire” sa DWBL.
Nangako naman ang PNP na bibigyang katarungan nila ang nangyari sa naturang media personality.
“The PNP vows to bring justice to an attack against a member of the media industry. Investigation is underway to determine the culprits and motive of this case,” ayon sa pahayag na inilabas ng kapulisan.
“A Special Investigation Task Force was already created by Las Piñas City Station of NCRPO to spearhead and coordinate the investigative and prosecutorial efforts of the PNP.”
Kinondena rin ni House Deputy Minority Leader France Castro (ACT Teachers Partylist) ang sinapit ni Mabasa, lalo na’t kilala ang nabanggit bilang kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Nakakabahala na talaga ang pagpapatuloy at paglala ng extra-judicial killings at harassment sa bansa at ang tinatarget ay mga kritiko ng administrasyong Marcos at Duterte, media man, aktibista o oposisyon pati ang mga relihiyoso,” ani Castro sa isang pahayag.
“Indeed, the culture of impunity is worsening in the country. We condemn this heinous act against Percy Lapid and we are calling for an impartial probe on the matter.”
Nananawagan din ang kanilang kampo na kagyat maimbestigahan ng Commission on Human Rights at ng Konggreso ang nangyari upang mailantad ang harassment at pagpatay sa mga kritiko ng gobyerno.
Sa ulat ng National Union of Journalists of the Philippines, si Mabasa na ang ikalawang peryodistang namatay sa ilalim ng Marcos Jr. administration.
Pangalawa lamang siya sa radio broadcaster na si Rey Blanco na sinaksak sa Mabinay, Negros Oriental nitong ika-18 ng Setyembre.
“The killing shows that journalism remains a dangerous profession in the country,” wika ng NUJP sa isang pahayag.
“That the incident took place in Metro Manila indicates how brazen the perpetrators were, and how authorities have failed to protect journalists as well as ordinary citizens from harm.”
Nakikiramay din ang NUJP sa pamilya ni Lapid, pati na sa kanyang kapatid at beteranong journo na si Roy Mabasa.
Maliban sa mga komentaryo laban sa red-tagging lalo na kay Manila Judge Marlo Magdoza-Malagar, idiniin din niya sa kanyang programa ang risks ng Philippine Offshore Gaming Operators at pagbabaluktot sa kasaysayan ng Martial Law.
“We call on the public to join us in condemning yet another murder of a journalist. We call on the [PNP] to hold the perpetrators accountable,” panapos nila. (Daris Jose)
-
Isinantabi ang pasaringan: ‘We wish Mayor Isko Moreno good health”- Sec. Roque
“We wish Mayor Isko Moreno good health. We hope that he gets well soon.” Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos makarating sa kaalaman na nagpositibo sa Covid-19 ang Alkalde. Si Moreno ay bakunado na ng Sinovac. Ayon kay Sec. Roque, hindi naman talaga sinasabi ng mga eksperto na ang […]
-
PBBM, lumikha ng special committee para protektahan ang human rights sa Pinas
BUMUO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang special committee para mas palakasin ang human rights protection at promosyon sa bansa. Base sa Administrative Order No. 22, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Mayo 8, ang Special Committee on Human Rights Coordination ay nilikha, inatasan na panatilihin ang inisyatiba at nagawa ng […]
-
KIM, happy dahil fully-vaccinated na laban sa COVID-19; laging gutom ang side effect
HAPPY si Kim Chiu dahil fully-vaccinated na siya laban sa COVID-19. Share niya sa Instagram: “JGH. Finally. I have prayed for this day to come! Seeing the covid19 videos last year scared me, so many “what ifs” on my mind. I made myself physically active by doing different workouts to help my™ lungs […]