• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Brownlee isa na sa mga PBA Greatest Imports

BITBIT ang isa na namang kampeonato, lalong hinigpitan ni Justin Brownlee ang kanyang puwesto sa tuktok bilang isa sa Greatest Imports sa kasaysayan ng PBA.

 

 

May limang kampeonato na ngayon si Brownlee sahog pa ang dalawang Best Import awards matapos ang 3-2 panalo ng Barangay Ginebra kontra sa karibal na Meralco sa katatapos lang na 2021-2022 PBA Governors’ Cup Finals.

 

 

Kumayod si Brownlee ng mga averages na 30.3 points, 11.2 rebounds, 5.4 assists, 1.7 steals at 1.6 blocks sa season-ending conference tampok ang 24 markers, 16 boards, 6 assists, 2 steals at 2 blcoks sa championship-clinching 103-92 win nila sa Game 6.

 

 

Hindi pa natatalo si Brownlee, wagi din bilang Best Import at champion noong 2018 Commissio­ner’s Cup, sa limang salang sa PBA finals simula nang maging resident import ng Gin Kings noong 2016.

 

 

Sumampa na rin si Brownlee sa Top 5 ng All-Time Scoring List para sa mga imports sa PBA sa hawak na 4,539 points sa itaas ni Billy Ray Bates (4,523) na siyang nagbigay ng unang PBA title sa Gin Kings noong 1986.

 

 

Nasa likod ni Brownlee sina Meralco coach Norman Black (11,329), Bobby Ray Parks (8,955), Sean Chambers (8,225) at Lou Masey (5,386).

 

 

“It feels great to be in the company of things in the league. I feel like this is a great league. It’s very established with a lot of history, a lot of great imports and local players. It feels great to keep accomplishing things in this league because it means a lot,” ani Brownlee.

 

 

Sa dami ng Best Imports trophy ay tabla na siya kina Black, Bates, Derrick Brown, Gabe Freeman, Arizona Reid, Jerald Ho­neycutt at Kenny Redfield sa likod nina Parks (7) at Allen Durham (3).

 

 

Matamis na regalo ito para kay Brownlee sa kanyang ika-34 na kaarawan kamakalawa, isang araw matapos ang kampeonato ng Gin Kings subalit higit doon – isa itong malaking karangalan.

Other News
  • Mag-asawa, 3 pa tiklo sa higit P.4M droga sa Valenzuela

    KALABOSO ang mag-asawa na sangkot umano sa pagbebenta ng shabu, marijuana, at marijuana oil vape matapos madakip ng pulisya sa ikinasang buy bust operation, pati na ang tatlo nilang parokyano sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.       Sa ulat ni P/Lt. Col. Robert Sales, hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) kay Northern […]

  • Gobyerno, inatasan ang DoLE na palakasin ang pagsisikap laban sa illegal recruitment

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) na paigtingin pa ang pagsisikap nito laban sa illegal recruitment.   Ipinag-utos ng Pangulo sa DOLE na magkaroon ng mas maraming manpower at isama ang kapulisan sa pagtugon sa labor issue.   “So you fortify the anti-illegal task force,” ang sinabi ni […]

  • EU, kinondena ang pagpatay sa Davao journalist

    KINONDENA ng European Union Delegation sa Maynila ang pagpatay kay Davao del Sur journalist Orlando “Dondon” Dinoy na binaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa loob mismo ng kanyang boarding house  kamakalawa ng gabi.   Si Dinoy ay residente ng  Bansalan, Davao Del Sur at reporter ng Newsline.Ph at block time anchor sa Energy […]