• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bryan, overwhelmed sa special award ng ’The EDDYS’: Movie ni VILMA sa Mentorque, ‘di tiyak kung isasali sa 50th MMFF

MALAKI nga ang posibilidad ng muling paggawa ng pelikula ni Vilma Santos-Recto after ng successful comeback niya sa ‘When I Met You In Tokyo’ na naging bahagi ng 49th Metro Manila Film Festival last year, na kung saan nagbigay sa kanya ng back-to-back best actress awards.

 

 

 

Isa nga ito sa napag-usapan sa tsikahan via zoon ng officers and members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at Mentorque producer na Bryan Dy, na hindi nakarating sa pa-dinner noong Sabado ng gabi dahil sa sobrang trapik.

 

 

 

Manggagaling pa si Bryan mula sa meeting nila ni Ate Vi, na kung saan kasama sina direk Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

 

 

 

Makikita sa pinost Ate Vi, after ng kanilang meeting ang mga photos na senyales na naging maganda ang kanilang pag-uusap ng gabing ‘yun.

 

 

 

 

Caption ng Star for All Seasons, “Enjoy our talk (red heart emojis and smiley).”

 

 

 

 

Sa post naman ng Mentorque producer, may caption ito ng…

 

 

 

“Insightful. Productive. Fun.

 

 

 

“Thank you Mam Vilma Santos Recto for sharing your valuable time, knowledge and wisdom!

 

 

 

 

“Thank you Dan Villegas, Antoinette Jadaone, Omar Sortijas, Warren Catarig, Ron Angeles, Rona Banaag and Catsi Marie kahit asa malayo ka hahaha

 

 

 

 

“Mentorque X Project 8 Projects X Vilma Santos-Recto.”

 

 

 

Ayon kay Bryan ayaw niyang i-pressure na pang-filmfest ang next movie ng premyadong aktres, pero… “I want it to be a quality film for Ate Vi and we’re working with Dan Villegas.”

 

 

 

 

Hindi ikinaila ni Bryan, na happy sila sa pagpo-produce ng movie.

 

 

 

“Nag-eenjoy talaga kami. We’re very happy. I’m more…ayaw kong madaliin ang pelikula and kailangan namin it has to be good quality, lalo na siya (Vilma) na ang involve ‘di ba?!”

 

 

 

Sinabi pa ni Bryan na hindi pa nila tiyak kung isasali sa 50th Metro Manila Film Festival ang pelikulang gagawin nila with Ate Vi, dahil ayaw nga nila itong madaliin, lalo na ang script ng movie na babasahin pa ng aktres.

 

 

 

Hindi naman maitatago na excited talaga si Ate Vi sa next movie niya dahil kakaiba ang prinesent sa kanya nina direk Dan at Tonette.

 

 

 

Kaya parang malabo ngang pang-MMFF ang gagawin movie ni Ate Vi dahil may entry na raw ang Mentorque, ang “Biringan”, na as of writing ay wala pang isinisiwalat na detalye si Bryan kung sino ang magiging bida at direktor nito, dahil may mga inaayos pa bago masimula ang pelikulang tiyak na manggugulat na naman sa movie industry tulad ng ginawa nila sa ‘Mallari’.

 

 

 

 

Ayon pa kay Bryan, apat na pelikula ang nakatakdang gawin ng Mentorque sa loob ng isang taon. Adbokasiya na raw nila na makatulong sa industriya. Kaya naman ang kinita ng ‘Mallari’ na pinagbidahan ni Piolo Pascual ay paiikutin lang niya para makapag-produce ng may kalidad at makabuluhang pelikula.

 

 

 

 

Samantala, na-overwhelm naman si Bryan sa announcement ng SPEEd na ang Mentorque ang tatanggap ng special award na ‘Rising Producer of the Year’, na ibibigay sa ika-7 edisyon ng The EDDYS na gaganapin ngayong Hulyo.

 

 

 

Sa kanyang post, “I am overwhelmed and full of joy!

 

 

 

“Thank you Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) headed by Mam Salve Asis for the great news! It inspires me to create more and in the process create more opportunities in the industry!

 

 

 

Mabuhay ang SPEEd!, Mabuhay ang Eddys!

 

 

 

#RisingProduceroftheYear (smiling face with hearts emoji)

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Amit at Centeno tatako sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball

    PUNTIRYA nina Philippine pool queens Rubilen Amit at Chezka Centeno na tuldukan ang pagkauhaw ng bansa sa titulo pagsabak sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball Championship sa Jan. 19-22 sa Atlantic City, New Jersey.   Umalis sina Amit, 41, ng Cebu, at Centeno, 23, ng Zamboanga para sa isang misyong makopo ang unang kampeonato ng […]

  • Kauna-unahang gamot laban sa COVID-19, inaprubahan na sa China

    Inanunsyo ng Zhejiang province sa China na inaprubahan na ang kauna-unahang gamot na makatutulong daw sa mga pasyente laban sa deadly virus na novel coronavirus.   Ayon sa Taizhou government sa Zhejiang ang gamot na Favilavir, na dati ang pangalan ay Fapilavir, ay maituturing daw na epektibo bilang antiviral ay aprubado na para ibenta sa […]

  • Presyo ng petrolyo sisipa sa higit P3

    POSIBLENG  sumipa sa mahigit P4 ang presyo ng kada litro ng diesel habang aabot ng hanggang P3.50 sa gasolina.     Ang inaasahang fuel prices ay dulot umano ng patuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.     Batay sa pagtaya, aabutin ang taas sa diesel mula P3.80 hanggang P4.10 kada litro, sa […]