• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BSP nilinaw na wala silang bagong coin series na inilabas

NILINAW ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na wala silang inilalabas na bagong salapi o coin series sa bansa.

 

 

Ginawa ng BSP ang paglilinaw kasunod na rin ng kumalat na imahe ng mga coins sa social media.

 

 

Ayon sa BSP ang naturang mga larawan ay bahagi ng “Ang Bagong Lipunan” coin series na kanilang inisyu noon pang taong 1975.

 

 

Ang nasabing mga coin ay deklarado nang demonetized noon namang taong 1998. Ang demonetized coins ay hindi na tinatanggap bilang bayad sa mga goods and services.

 

 

Ayon pa sa central bank ang New Generation Currency (NGC) ang pinaka-latest legal tender coin series na kanilang inilabas.

 

 

Ang mga ito ay 10-Piso, 5-Piso, 1-Piso, 25-Sentimo, 5-Sentimo, at isang-Sentimo na unang inilunsad noong March 2018, habang ang 20-Piso at ang enhanced 5-Piso ay inilabas noong December 2019.

 

 

Binigyang diin pa ng BSP na ang New Generation Currency coins ay mahirap na mapeke o counterfeit dahil sa mas mahirap gayahin ang mga security features nito.

Other News
  • Kinaiinisang character ni AIKO, kinailangan na palitan ni SHERYL dahil ‘di na puwedeng mapanood sa serye

    NAGULAT ang netizens na sumusubaybay sa top-rating GMA afternoon prime drama na Prima Donnas nang sa last scene noong Friday ay pinalitan na ni Sheryl Cruz ang character ni Aiko Melendez bilang si Kendra.       Last series na ginawa rin ni Sheryl last year sa GMA ay ang Magkaagaw na isa rin siyang kontrabida, […]

  • Remittance inflows, patuloy na bumababa – BSP

    INIHAYAG  ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang mga remittance inflows mula sa mga Overseas Filipino ay patuloy na bumababa noong Pebrero upang markahan ang pinakamababang antas sa loob ng siyam na buwan.     Ang mga cash remittances o money transfer na ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko o pormal na channel ay umabot […]

  • 3,000 DAYUHAN, PINAUWI

    UMABOT sa 3,000 na mga dayuhan ang pinabalik sa kanilang bansa noong nakaraang taon dahil sa paglabag ng Philippine Imigration Law, ayon sa Bureau of immigration.     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, na naguna sa listahan ang  Chinese na 3,219 noong 2020, sumunod ang Vietnamese ( 60) habang  40 ang  Koreans, 25 ang […]