• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bubble training ng national athletes sisimulan ngayong Enero

Sisimulan na ngayong Enero ang pagsasanay ng national athletes sa isang bubble setup sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon Fernandez, makakababalik na sa ensayo ang mga atleta partikular na ang mga naghahangad na makasikwat ng tiket sa Tokyo Olympics.

 

“The bubble training that we are going to do will start this first week of January to really prepare for the Tokyo Olympics,” ani Fernandez sa programang Power and Play.

 

Matagal tagal nang hindi nakapag-ensayo ang mga atleta dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic kaya’t kani-kanyang paraan ang mga ito para mapanatili ang magandang kundisyon.

 

Kaya naman malaki ang maitutulong ng bubble trai­ning upang magkaroon ng pormal na training at mga kagamitan para maibalik ang perpektong porma.

 

Ilang qualifying tournaments para sa Olympics ang nakalinya ngayong taon kung saan sasalang ang ilang boxers, karatekas at iba pang atletang magtatangkang humirit ng slot sa Tokyo Games.

 

Sa kasalukuyan, may apat na Pinoy pa lamang ang nakasisiguro ng tiket sa Tokyo Olympics — sina gymnast Carlos Yulo, pole vaulter EJ Obiena, at bo­xers Eumir Marcial at Irish Magno. Umaasa si Fernandez na madaragdagan pa ito.

Other News
  • Speaker Romualdez pinuri si PBBM sa desisyong ilayo ang MIF sa pamumulitika

    PINURI  ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ilayo sa pamumulitika ang Maharlika Investment Fund (MIF). Kumpiyansa si Speaker Romualdez na makatutulong ang hakbang na ito ng Pangulo sa ikatatagumpay ng kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa. Ayon kay Pangulong Marcos tinanggihan nito ang panukala na siya […]

  • Priority bills ng administrasyong Marcos, nasa 23 na —PLLO chief

    TINATAYANG nasa 23 na ang priority bills ng administrasyong Marcos.     Matatandaang unang inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng kanyang mga priority bills sa kanyang State of the Nation Address.     “As of today your honor, we have 23 (priority) measures,”   ayon kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro […]

  • ‘Paturok na kayo’: Marcos Jr. nagpa-COVID-19 booster in public, hinikayat mga Pinoy

    Nagpaturok ng kanyang “booster shot” laban sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng media ngayong Miyerkules, ito habang hinihikayat ang publiko na kumuha ng karagdagang shots para mapanatili ang proteksyon sa nakamamatay na sakit.     Ito mismo ang ginawa ni Bongbong sa gitna ng PinasLakas Vaccine Campaign ng Department of Health […]