• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bucks balik uli sa porma, Hornets pinayuko

HUMAKOT si Giannis Anteto­kounmpo ng 26 points at 16 rebounds para pamunuan ang nagdedepensang Bucks sa 130-106 pagsuwag sa Charlotte Hornets.

 

 

Naglista si Jrue Holiday ng 21 points at 8 assists  habang kumolekta si Bobby Portis ng 20 points at 10 rebounds para sa Milwaukee (38-25) na kasosyo ang Cleveland Cavaliers sa No. 4 spot sa Eastern Conference.

 

 

Umiskor si LaMelo Ball ng 24 points sa panig ng Charlotte (30-32) na nakahugot ng 17 markers kay Terry Rozier.

 

 

Humataw ang Bucks ng season-high 44 points sa second quarter para ibaon ang Hornets sa halftime, 76-53, at hindi na nilingon pa ang Hornets sa second half.

 

 

Sa Miami, naglista sina Gabe Vincent at Tyler Herro ng tig-20 points sa 112-99 paggupo ng Eastern Conference leading-Heat (41-21) sa Chicago Bulls (39-23).

 

 

May 18 points lamang si Bulls star guard DeMar DeRozan.

 

 

Sa Cleveland, isinalpak ni center Karl-Anthony Towns ang isang triple sa huling 11.8 segundo sa 127-122 panalo ng Minnesota Timberwolves (33-29) sa Cavaliers (36-25).

 

 

Sa iba pang laro, tinalo ng Memphis Grizzlies ang San Antonio Spurs, 118-105; panalo ang Sacramento Kings sa Oklahoma City Thunder, 131-110; binigo ng Orlando Magic ang Indiana Pacers, 119-103; at hinataw ng Toronto Raptors ang Brooklyn Nets, 133-97.

Other News
  • 2 MIYEMBRO NG CRIME RING NA SANGKOT SA LUFFY CASE, PINA-DEPORT

    DALAWA sa hinihinalang miyembro ng crime ring sa  bayolenteng pagnanakaw sa Japan ay pina-deport na nitong Martes.     Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, sina Fujita Toshiya at Imamura Kiyoto, kapwa 38-anyos ay pinaalis na ng bansa na nasa maximum security  sakay ng Japan Airlines patungong Tokyo.     Sina Fujita at Imamura ay […]

  • Action plan sa pagpapaluwag sa trapiko sa Metro Manila, inilatag

    NAGKASUNDO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang 17 local government units sa Metro Manila, at mga pambansang ahensya na responsable sa pamamahala ng trapiko sa kalakhang lungsod na maisakatuparan ang pagpapatupad ng limang taong action plan para mabawasan ang pagsisikip sa Metro Manila, ang sentro ng ekonomiya at negosyo ng bansa.     Sa […]

  • ISKO AT DR.WILLIE ONG, NAGSANIB PUWERSA

    IIWAN na ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang Maynila at ipagkakatiwala nito ang pamamahala kay Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna- Pangan ang pagiging punong ehekutibo sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.   Ito ang sinabi ni Domagosa kasabay ng ginawa nitong proklmasyon ngayon araw sa kanyang kandidatura sa pagka- Pangulo ng bansa sa […]