• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Build, Build, Build’, matagumpay ba? Ni-rate ng mga Presidential bets

MAAARING magpatuloy ang sinasabing legacy ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘Build, build, build” subalit kailangan ng malawakang improvement nito.

 

 

Ito ang inihayag ng karamihan sa presidential hopefuls sa presidential debates na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec), araw ng Sabado.

 

 

At nang hilingin sa mga presidential hopefuls na i-rate ang infrastructure program ng Duterte administration, sinabi ni presidential candidate Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang scheme ay maaari pang magiging “better and bolder,” lalo pa’t 12 lamang na proyekto mula sa 118 proyekto ang nakumpleto.

 

 

Para kay Ernesta Abella, maituturing na matagumpay ang nasabing proyekto subalit kailangan ng “push it beyond building structures.”

 

 

Pinuri naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang Build, Build, Build, subalit kailangan aniya niya itong rebisahing mabuti kabilang na ang “more housing, more schools, more hospitals, more post-harvest facility, more source of energy.”

 

 

Para naman kay Norberto Gonzales, kailangan ang masusing pagsusuri sa programa bago pa sabihing matagumpay ito.

 

 

Sinabi naman ni Vice President Leni Robredo na ipagpapatuloy niya ang inisyatiba, manghihiram o mangungutang siya ng pera para makompleto ang mga nasabing proyekto.

 

 

Bibigyang diin naman niya ang Public-Private Partnership sa halip na Official Development Assistance.

 

 

Gagamitin naman ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang “personal efforts” para makapagbigay ng pabahay sa mas maraming Filipino, at mas makabubuti aniya ang Build Build Build kung mas mapakikinabangan ito sa Mindanao.

 

 

Sinabi naman ni Jose Montemayor, dapat lamang na ipagpatuloy ang programa dahil sa umiiral na kontrata nito subalit kailangan na tiyakin ng pamahalaan na malayo ito sa korapsyon.

 

 

Kailangan naman ayon kay Faisal Mangondato na ang “rightful recipients” ang makinabang sa Build, Build, Build.

 

 

Sinabi naman ni Labor leader Leody de Guzman na ang pondo para sa imprastraktura ay magamit din sa iba pang usapin gaya ng kagutuman at kahirapan lalo na sa panahon ng pandemya.

 

 

“Na-resolve sana ang unemployment at kahirapan. Madami nga tayong expressway at tulay, pero madaming gutom na mamamayan. Walang kwentang gobyerno. Yung basic na pangangailangan ng mamamayan ay hindi natugunan. Ang pagtingin ko sa Build, Build, Build, binaon tayo sa utang,” ayon kay de Guzman.   (Daris Jose)

Other News
  • MGA GYM, SPAS, INTERNET CAFES SARADO SA NAVOTAS

    Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order 054 Series of 2021 na nag-aatas sa pansamantalang pagpapasara ng mga gyms, spas, at internet cafes sa lungsod habang umiiral ang mahigpit na general community quarantine sa Metro Manila mula March 24 hanggang April 4, 2021, maliban kung ito’y pahabain.     Alinsunod ito sa Metropolitan Manila […]

  • PDP-Laban Cusi Wing, tuluyan nang nilaglag si Pacquiao para makasama sa senatorial slate na sasabak sa Eleksyon 2022

    TULUYAN nang nilaglag ng PDP-Laban wing sa pamumuno ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Sen. Manny Pacquiao para maikunsidera ito sa Senate slate para sa 2022 elections.    Nauna nang sinabi ng Cusi group na inalok nila si Pacquiao na makasama sa kanilang Senate slate matapos na mapatalsik ito bilang party president at sumunod naman […]

  • DAGDAG KAPAPASIDAD SA SIMBAHAN PARA SA VACCINATION WALANG PINAG-USAPAN

    WALA umanong napapag-uasapan kung may kahilingan ang  Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na dagdagaan ang kapasidad ng mga simbahan  para sa vaccination program ng pamahalaan.   Ayon kay Manila  Vice Mayor  Honey Laguna-Pangan sa ginanap na virtual forum ng Department of Heatlh (DOH) , ang napag-uasapan lamang aniya ng pamahalaang lungsod ng Maynila […]