• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod kay Liza na nag-convince na mag-concert: ICE, grabe rin ang pasasalamat kay SYLVIA dahil naniwala agad sa vision ng project

KUNG ganun-ganun na lang pasasalamat ni Ice Seguerra sa wife na si Liza Dino-Seguerra, na nag-suggest nga na magka-concert siya to celebrate ang kanyang 35 years in the industry at ang kinalabasan ay sold-out concert nga ang ‘Becoming Ice’ last October 15 sa The Theater at Solaire.

 

Isa pa sa labis na pinasasalamatan ni Ice ay ang kanyang nanay-nanayang si Sylvia Sanchez, na co-producer nila sa naturang matagumpay na anniversary concert.

 

Sa kanyang FB at IG post, nagpapasalamat si Ice kay Sylvia, na kung saan napakanta talaga niya dahil naki-jamming ito sa kantang ‘Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko’.

 

Panimula ng singer/songwriter, “Fire and Ice x Nathan Studios.

 

“When Liza and I finally had a concept for the anniversary concert, as producers of the show, isang tao lang ang naisip namin na kausapin to be our co-producer. Si Nanay Jojo.

 

“I remember when we presented the idea to her, hindi pa kami tapos magkuwento, sabi niya agad “game na yan, Nak”. Ganun kabilis. Walang tanong, naniwala siya agad sa project.”

 

Dagdag pa ng OPM icon, “She was more than a co-producer, kasi grabe rin ang pag-aalaga niya sa amin ni Liza. Pag alam niyang stressed na kami, magbabakasyon kami, tatambay sa bahay niya para magpa facial at magpamasahe or kakain kami sa labas, just to help us take our minds off of things, para kahit papaano, ma relax kami.

 

“But more than that, she respected the vision of the show and just gave us her full trust that we’d be able to make this happen.

 

“Maraming maraming salamat, Nay, sa tiwala and for making sure that we are okay, sa lahat ng aspeto. Salamat dahil tinulungan mo kaming matupad yung buong vision ng show. You have supported us immensely. The love, dedication, and care that you’ve given us is something na hindi mapapantayan nang kahit anong bagay.

 

“Mahal na mahal ka namin, Nay! Kayong lahat nina Ninong at ang buong pamilya. Thank you so much!!!
“Hanggang sa marami pang pagsasama.” #BecomingIce

 

***

 

SESENTRO sa extra judicial killings, extreme hunger and poverty, child prostitution at climate change ang horror-advocacy film ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI), ang “Socmed Ghosts’.
Ayon sa founder at president ng KSMBPI na si Dr. Michael Aragon nakikita raw niya ang dedikasyon at pagmamahal sa trabaho ng cast ng pelikula na mula sa Batch 1 and 2 Socmed House ni Direk Miah.

 

 

Inaasahang matatapos ang shooting ngayong October, para pagdating ng November ay puwede na nilang itong isali o ialok sa mga international film festival sa iba’t-ibang bansa.

 

 

Automatic na magiging talents na rin ang kasama sa film ng KSMBPI Productions nina Doc Michael Aragon.

 

 

Ilan nga sa bida ng “Socmed Ghosts” na sina Chase Romero, Sheikayna Ylaya at ang mga aeta na sina Jason Naruso at Arjohn Gilbert na pang-world class din ang talent, lalo na pagkanta at pagra-rap.

 

 

Kasama rin ang dalawa pang baguhang artista ng “Socmed Ghosts” na sina Erica Blake at Jericka Madrigal na gaganap na magkapatid na masasadlak sa madilim na karanasan dahil na rin sa kahirapan.

 

 

Si Erica ay gaganap na si Cassandra, ang nakatatandang kapatid ni Lyka na isang sex worker. Si Jericka naman ay si Lyka na napasok sa child prostitution dahil na rin sa kagustuhan ng kanilang mga magulang. Aminado sina Erica at Jericka na nahirapan sila sa pagganap sa kani-kanilang roles, pero ginabayan naman sila ng mga direktor, kaya maayos naman nilang naitawid ang hinihingi ng role.

 

 

Hindi na bago kay Jericka ang pagharap sa camera dahil nakapag-double na siya sa mga teleserye at nagmo-model din pala siya. Si Erica naman ay carry na sumabak sa pagpa-sexy, basta kailangan ‘yun sa kanyang gagampanang role, ay ‘di niyang uurungan.

 

 

Ang “Socmed Ghosts” directors ay sina Jojo Albano at Karlo Montero, at katuwang naman nila sina Pete Mariano at Jeremiah Palma.

 

 

Ipinagdidiinan ni Doc Mike na talagang napapanahon at may social relevance ang kuwento ng pelikula na siya mismo ang nakaisip at kasama rin sa nagsulat. Na kung saan ang mga gaganap na mga multo sa pelikula ay namatay dahil sa baha at paglapastangan sa kalikasan, nalason sa pagkain ng pagpag dahil sa kahirapan, pagbubugaw ng sariling mga magulang para ibenta ang anak at karumal-dumal na extra judicial killings.

 

 

Tunay ngang kaabang-abang ang indie film, na for sure, papatok sa iba’t-ibang international filmfest.

 

 

Kaya dapat natin itong suportahan at ipakalat sa movie industry.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Abueva balik-PBA na

    Ikinatuwa ng koponan ng Phoenix Pulse ang balitang inaprubahan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbabalik sa liga ng kontrobersyal na si Calvin Abueva. Ayon sa insider, nagtataka umano sila dahil biglang nagbago ang ihip ng hangin ni PBA Commissioner Willie Marcial na madalas sinasabi na kailangan pang maipasa ni Abueva ang isa pang […]

  • Vin Diesel Teases Chronicles of Riddick 4 Release Is “Closer Than You Think”

    VIN Diesel has taken to social media to suggest that Furya, the fourth film in the Chronicles of Riddick saga may not be too far off.     Based on the character created by screenwriting due and brothers Ken and Jim Wheat, Diesel made his debut as the gruff, sci-fi antihero Riddick in 2000’s Pitch Black.      Despite working with a […]

  • Ads October 24, 2022