Bukod sa hinuhulaan na kung sinu-sino ang magwawagi: Direk ICE, JONA, ZEPHANIE at REGINE, may mga pasabog sa ‘The 5th EDDYS’
- Published on November 24, 2022
- by @peoplesbalita
KANYA-KANYA nang hula ang mga fans at netizens kung sinu-sino ang magwawagi sa The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ngayong Linggo na, November 27 sa Metropolitan Theater (MET).
Magsisilbing host sa awards night ang talent manager at premyadong TV personality na si Boy Abunda at sa direksyon ng OPM icon at award-winning singer-songwriter na si Ice Seguerra.
Bukod sa announcement ng pinaka-magagaling sa larangan ng paggawa ng pelikula noong 2021, kailangang abangan din sa ika-5 edisyon ng The EDDYS ang inihandang pasabog na performances nina Direk Ice, Jona, Zephanie at Miss Regine Tolentino kasama ang Dance Royalties.
Nauna nang inihayag ng SPEEd ang mga nominado para sa iba’t ibang kategorya ng The 5th EDDYS.
Maglalaban-laban para sa Best Film ang “Arisaka”, “Big Night,” “Dito at Doon”, “Kun Maupay Man It Panahon” at “On The Job: The Missing 8”.
Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Erik Matti (On the Job: The Missing 8); Mikhail Red (Arisaka); Jun Lana (Big Night); Carlo Francis Manatad (Kun Maupay Man it Panahon); at JP Habac (Dito at Doon).
Sa Best Actress category, laban-laban sina Janine Gutierrez (Dito at Doon); Kim Molina (Ang Babaeng Walang Pakiramdam); Maja Salvador (Arisaka); Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon); at Alessandra de Rossi (My Amanda).
Kaabang-abang din kung sino ang tatanghaling Best Actor sa mga nominadon na sina John Arcilla (On The Job: The Missing 8); Christian Bables (Big Night); Dingdong Dantes (A Hard Day); Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon); at Piolo Pascual (My Amanda).
Para sa Best Supporting Actress category sina Janice de Belen (Big Night); Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8); Eugene Domingo (Big Night); Elizabeth Oropesa (Huwag Kang Lalabas); at Rans Rifol (Kun Maupay Man It Panahon), naman ang magtutunggali.
Sina John Arcilla (Big Night); Mon Confiado (Arisaka); Christopher de Leon (The Missing 8); Ricky Davao (Big Night); at Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8) naman ang maglalaban sa Best Supporting Actor category.
Pararangalan din ng The EDDYS ang 10 Film Icons na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador, Roi Vinzon, Helen Gamboa, Divina Valencia, Elizabeth Oropesa, Sharon Cuneta, at Alma Moreno.
Para naman sa mga special awards ngayong taon, ipagkakaloob ang Joe Quirino Award sa entertainment journalist at TV correspondent na si Mario Dumaual. Ang scriptwriter at dati ring editor na si Eric Ramos ang tatanggap ng Manny Pichel Award.
Habang ang Rising Producer Circle award ay ipagkakaloob sa Rein Entertainment. Ang Viva Films naman ang napili ng SPEEd bilang Producer of the Year.
Para sa Isah V. Red Award, pararangalan naman sina Gretchen Barretto, Kris Aquino, Alfred Vargas; Kapuso Foundation at Sagip Kapamilya.
Ang ikalimang edisyon ng The EDDYS ay presented ng SPEEd at Fire and Ice Media and Productions, in partnership with GLOBE at sa pakikipagtulungan ng Beautederm, NCCA, at Metropolitan Theater.
Kabilang naman sa mga sponsor ang Nathan Studios, QC District 1 Rep. Arjo Atayde, UNILAB at Tanduay at suportado rin ng Live Stream Manila, Dr. Carl Balita Foundation ni Dr. Carl Balita, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), Angie Limbaco (, JFV Rice Mill at Bataan Rep. Geraldine B. Roman.
Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pa na bumuo ng makabuluhan at de-kalidad na pelikula.
Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa, sa pangunguna ni Eugene Asis (ng People’s Journal) bilang presidente.
(ROHN ROMULO)
-
US donation single dose na Johnson and Johnson, inaasahang darating ngayong buwan sa bansa
INAASAHANG darating ngayon buwan sa bansa ang nasa 3,024,000 single dose na Johnson and Johnson na donasyon ng Estados Unidos at ipadaraan sa COVAX facility ang parating ng bansa ngayong buwan. Sa naging pag-uulat ni Vaccine csar Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sinabi nito na bahagi ito ng inaasahang 16 doses […]
-
Bigo ang mga umaasang ikakasal na: BEA, itinangging nag-prenup shoot sila ni DOMINIC sa Japan
BIGO ang mga umaasa na ikakasal na sa lalong madaling panahon sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil sa prenup shoot daw ng dalawa sa Japan kamakailan. Pasyal lamang at bakasyon ang ipinunta ng magkasintahan sa mga lugar sa Japan tulad ng Niseko, Otaru at Sapporo. At dahil sa mga sweet […]
-
Mandatory vaccination sa mga workers simula na sa Dec. 1 – Roque
Sisimulan na ang gagawing mandatory sa vaccination sa mga on-site employees sa public and private sectors na may sapat na supply ng bakuna sa pagpasok ng buwan ng Disyembre. Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga […]