• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, no reaction sa pagbabalik ng ABS-CBN sa telebisyon

DEADMA at “no reaction” ang Malakanyang sa ulat na pagbabalik ng ilang ABS-CBN Corp content sa free television.

 

May tatlong buwan na nang pagkaitan ng Kongreso na mabigyan ng prangkisa ang ABS- CBN.

 

Araw ng Martes nang sabihin ng ABS-CBN na ilan sa kanilang entertainment shows at movies ay mapapanood sa A2Z channel 11, ang bagong rebranded Zoe TV 11, simula Oktubre 10 sa pamamagitan ng blocktime arrangement.

 

“What has happened is ABS- CBN has become a content provider so that’s a distinct line of business that does not require a franchise. I guess the fans of ‘Probinsyano’ and the other soap operas can look forward to them on Zoe TV,” ayon kay Presiden- tial Spokesperson Harry Roque.

 

“We neither welcome it nor we have no reaction to it because they’re a content provider. For all intents and purposes, it is Zoe that will be subject to regulation because Zoe is the franchise holder,”anito.

 

Sa kabilang dako, wala namang ideya si Sec. Roque kung nag-usap sina House Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva, founder ng Zoe Broadcasting Network Inc. at Pangulong Duterte hinggil sa naging kasunduan ng ABS-CBN at Zoe nang magkita ang mga ito sa pray noong nakaraang linggo.

 

Sa ulat, inihahanda na ang pag-ere ng mga programa ng ABS-CBN sa ZOE TV ni Bro. Eddie Villanueva na umeere bilang Light TV 33.

 

Familiar ang network ni Bro. Eddie dahil dito dati blocktimer ang GMA News TV.

 

Fourteen years ding may bloke ng mga programa ng GMA News TV na dati ay QTV.

 

Noong nakaraang taon lang natapos ang kontrata ng GMA News TV sa istasyon na ito ni Bro. Eddie.

 

Ngayon ay sa Light TV 33 na nga ang ZOE TV at alam nating religious station ito ng Jesus is Lord Fellowship.

 

Matatandaang, bigo ang ABS- CBN na makakuha ng boto mula sa kongreso pabor sa kanilang pagkakaroon ng panibagong prangkisa.

 

Para maaprubahan ang pagbigay sa higanteng network ng 25-year franchise, kinakailangan nilang makakuha ng malaking bilang ng boto mula sa kongreso. Subalit hindi ito ang nangyari sa naganap na botohan nitong Biyernes, July 10.

 

Sa bilang na 70-11, bigo ang Channel 2 na muling magkaroon ng prangkisa bunsod ng malaking bilang ng mga kongresista na hindi sang-ayon dito.

 

Bukod pa doon, dalawa sa kanila ang hindi sumali o nag- abstain sa isinagawang eleksyon. (Daris Jose)

Other News
  • Jesus; John 19:27

    Here is your mother.

  • JOHN, overwhelmed dahil nakasama sa cast ng movie ni NORA; approachable at sobrang bait ng Superstar

    OVERWHELMED ang newbie singer na si John Gabriel dahil nakasama siya sa cast ng Kontrabida, ang bagong movie ni Superstar Nora Aunor.     Sobrang saya at kabado raw siya nang malaman na kasali siya sa movie. Sino ba raw naman ang di kakabahan sa oportunidad na makasama ang isang superstar at multi-awarded actress?   […]

  • Probe vs ‘cocaine user’ tuloy – PNP

    Tuloy ang imbestigasyon sa isyu ng ‘cocaine user’ bagama’t nagboboluntaryo sa drug test ang mga presidential aspirants.     Ayon kay PNP chief, Gen Dionardo Carlos, idodokumento lamang nila ang  resulta ng  drug test  na magsisilbing ehemplo sa publiko.     Aniya, kailangan nilang  imbestigahan  ang alegasyon na nag-uugnay sa isang kandidato sa iligal na […]