AFP chief, nakipagpulong sa mga Muslim Leaders sa NCR
- Published on October 28, 2020
- by @peoplesbalita
NAKIPAGPULONG si AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay sa mga NCR-based Muslim Leaders na kinabibilangan ng mga muftis, imams at madrasah officials na ginanap sa Kampo Aguinaldo. Layon ng nasabing dayalogo ay para paigtingin pa ang koordinasyon ng AFP sa mga Muslim religious leaders para labanan ang terorismo sa bansa.
Pinangunahan ni NCR Grand Mufti Dr. Al-Sheick Abdeljabar Macarimbor ng Filipino- Arab Alliance and united Muslim Ummah Federation for Socio-Economic and Peace Development.
Naniniwala kasi si chief of staff na mahalaga na magkaroon ng magandang ugnayan sa pagitan ng AFP at ng nasabing grupo.
Una ng hiniling ni Gapay na makapulong ang mga Muslim leaders dito sa Metro Manila.
Binigyang-diin ni AFP chief sa nasabing pulong ang posisyon nng AFP na protektahan ang Madrasah o Madaris mula sa terrorist exploitation.
Ang Madrash o Madaris ay isang educational institution na nagtuturo ng Islamic studies at Arabic literacy.
Siniguro ni Gapay na magpapatuloy ang kanilang engagement sa grupo para mapalakas pa ang kanilang partnership sa isa’t isa.
Magugunitang unang nag-“reach out” si Gen. Gapay sa mga muslim leaders matapos niyang linawin na Hindi niya ibig sabihin na nagtuturo ng terrorismo ang mga madrasah o muslim schools sa kanyang pahayag na babantayan ng AFP ang mga ito.
Sa pagpupulong sa Camp Aguinaldo, nagpasalamat si Gen. Gapay sa pakikiisa ng muslim community sa adhikain ng AFP na mapigilan ang mga lawless elements na naghahasik ng terrorismo.
Kabilang pa sa mga nakipagpulong kay Gen. Gapay sina: Grand Imam Alem Maguid A. Tahir; Aleem Ahmad Kudarat; Aleem Abubacar Talib Manamping; Datu Umbria P. Mama; Aleem Hanip Sarip; Aleem Aliasgar Abolais; Mohammad Alioden Manalinding; Aleem Nashroden Alamada; Alihasan Taha; Aleem Khalid H. Matling; Aleem Abdulhamid Mustapha; Hismam H. Sedic; Abdul Malik Calauto; Almanzor I. Hajishaq; Abobacar T. Manampen; Sherwina Ali; Secretary to the NCR Grand Mufti Alex Y. Lebria; Bai Rohaniza Sumndad- Usman.
-
MEET THE CREATURES OF “DUNGEONS & DRAGONS: HONOR AMONG THIEVES”
DRAGONS, a mimic… intellect devourers? Creature Week is in full swing! Watch the “Meet the Creatures” featurette below for Paramount Pictures’ Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves and see the film only in Philippine cinemas starting March 29. YouTube: https://youtu.be/thVrht-7SEA About Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves A charming thief and […]
-
Leptospirosis cases sa ‘Pinas nasa 878 na; 84 nasawi – DOH
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis sa Pilipinas bunsod na rin ng mga nakalipas na mga pag-ulan at pagbaha. Ayon sa DOH, batay sa isinasagawa nilang patuloy na WILD (Water-borne illness, Influenza-like Illness, Leptospirosis, and Dengue) monitoring, naobserbahan nila na sa Morbidity Week 24 (Hunyo 15, 2024), ang […]
-
Mga nakabili ng tickets para sa FIFA World Cup 2022 aabot na sa halos 3-M
AABOT na sa halos tatlong milyon tickets ang naibenta para sa FIFA World Cup sa Qatar. Ayon kay World Cup Chief Operating Officer Colin Smith na ang pangunahing bansa na nakabili ng tickets ay mula sa Qatar, US, at Saudi Arabia. Sa pinakahuling bilang ay aabot na sa 2.89 milyon ang […]