• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, higit na pinaigting ang contact tracing kasabay ng pagpasok ng Delta variant sa lalawigan

LUNGSOD NG MALOLOS– Higit na pinaigting ng Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 ang contact tracing at pinahigpit ang pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy upang maiwasan ang lalong pagkalat ng mga kaso ng COVID lalo na ngayon na pumasok na sa lalawigan ang mas nakakahawang variant ng virus.

 

 

Kinumpirma ni Gobernador Daniel R. Fernando na dalawang kaso ng COVID Delta variant ang nakapasok sa Bulacan, isa sa San Ildefonso at isa sa Santa Maria, sa ginanap na Damayang Filipino Blood Letting Program sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kahapon.

 

 

Ayon sa gobernador, magaling na ang asymptomatic na kaso sa San Ildefonso, habang sumasailalim pa sa quarantine ang isa pa mula sa Santa Maria.

 

 

Hinikayat niya ang mga Bulakenyo na patuloy na sumunod sa standard health protocols kabilang ang pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapatupad ng social distancing at madalas na paghuhugas ng kamay dahil ang mga ito ang napatunayang epektibong paraan upang makaiwas sa pagkakahawa ng anumang variant ng virus.

 

 

Bago pa ito, kahit wala pang naitatalang kaso ng Delta variant, nailatag na ang mga nabanggit na aksyon ni PTF Response Cluster Head Dr. Hjordis Marushka Celis sa ginanap na PTF Meeting noong Biyernes, Hulyo 23, 2021 upang ihanda ang lalawigan sa posibleng pagtaas ng kaso dahil sa bagong variant.

 

 

Kahapon, ang Bulacan ay mayroong 1,687 kabuuang aktibong kaso ng COVID, 41,272 paggaling, at 938 na pagkamatay.

Other News
  • Ads May 30, 2023

  • HEALTH PROTOCOLS na MULA sa MEDICAL SOCIETIES, KAILANGAN IPATUPAD sa PUBLIC TRANSPORTATION

    Inanunsyo ng DOH na magtatalaga ng isang working committee ang pamahalaan at ang medical societies para mapagusapan ang mga strategies para labanan ang pagdami ng kaso ng COVID-19.     Magandang hakbang ito upang hindi puro military solutions na mula sa mga hereral ang napapakinggan kundi yung galing din sa medical experts.  Importante rin ang opinyon […]

  • Pacquiao tatanggapin ang ‘Manok ng Bayan’

    SOKPA uli si eight-division world men’s professional boxing champion Sen. Emmnuel ‘Manny’ Pacquiao sa Philippine Sportswriters  Association (PSA) virtual Awards Nights 2020 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong sa Marso 27, Sabado.     Igagawad sa 42-anyos, 5-7 ang taas at tubong Kibawe, Bukidnon ang Chooks-to-Go Fan Favorite ‘Manok ng Bayan’ Award, na kabilang sa […]