• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, ipinagdiwang ang LGBT Pride

LUNGSOD NG MALOLOS – Bitbit ay matitingkad na kulay at pagkakaroon ng malaking bahagi sa buong linggong pagdiriwang ng Singkaban Festival 2022, ipinagdiwang ng LGBT Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office ang LGBT Pride sa isinagawang SIBOL: The 2022 LGBT Bulacan Summit na may temang “Synergy of Inclusive Growth in Bulakenyo LGBT Ecosystem” na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium dito noong Linggo, Setyembre 11, 2022.

 

 

Binigyang papuri ni Director Dindi Tan, Director IV-OWWA, Department of Migrant Workers at presidente ng LGBT Pilipinas, ang LGBT Bulacan Federation sa pagiging inspirasyon nito sa iba pang mga lalawigan na magsimula rin ng sarili nilang mga grupo.

 

 

“Sa katunayan, sa lahat ng LGBT groups sa Pilipinas, maipagmamalaki ko na isa sa pinakamalaking pedereasyon ng LGBT ay dito sa lalawigan ng Bulacan. Noong nakita po ng ibang probinsiya ang pictures na pinost namin ni Kap. Renan noong tayo ay nagsisimula pa lamang, iyon po ang naging mitsa ng pagtanong nila sa atin sa national kung paano nila bubuuin ang kani-kanilang pederasyon sa kanilang respective provinces. So your movement became an inspiration to other provinces,” ani Tan.

 

 

Itinampok din sa gawain ang mga kahanga-hangang koleksyon ng 12 Bulakenyo fashion designers sa pamamagitan ng fashion show na puno ng kinang at garbo kabilang ang mga obra nina Vince Sityar, Sony Boy Mindo, Robert Zamora, Paolo Blanco, Celso Sebastian, Louie Salazar, Larry Zuñiga, Zyrill Jane Jacinto, Manny Halasan, Marbin Garcia, Jersey Lopez at James Peter Manalo.

 

 

Binati rin ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang LGBTQ sa kanilang mga kontribusyon sa lalawigan at inihayag ang kanyang respeto sa mga miyembro nito.

 

 

“Sa lahat po ng ating LGBT Bulacan, members and officers, congratulations and thank you so much sa inyong mga ibinigay na pagkilala sa ating lalawigan. Isa po kayo sa gumuhit ng magandang kulay ng ating lalawigan. Salamat sa inyong mga naiambag at ito po ay hindi makakalimutan ng inyong lingkod. Gagawin namin ang aming magagawa para suportahan ang ating mga kababayan at most especially ang inyong komunidad. Itinatag ko ito sapagkat ang pagtingin ko sa inyo at respeto ko sa inyo ay ganoon na lamang. Kaya inaasahan ko at inaasahan pa namin ang mas malalim na pakikiisa niyo sa ating lalawigan,” anang gobernador.

 

 

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng LGBT pride, pinangunahan ni Renan T. Eusebio, tagapangulo ng LGBT Bulacan Federation, ang paggawad ng mga sertipiko at mga papremyo na nagkakahalaga ng P7,000 para sa unang gantimpala na napanalunan ng CREGMA Marilao Chapter bilang Most Organized LGBTQ Chapter; P5,000 para sa ikalawang gantimpala na napunta sa Lungsod ng Meycauayan; at P3,000 para sa ikatlong gantimpala na naiuwi ng bayan ng Baliwag.

 

 

Dagdag pa rito, itinanghal rin ang ang Lungsod ng San Jose Del Monte bilang Most Active LGBTQ Chapter; Siklab Bustos sa ikalawang pwesto at San Miguel Chapter sa ikatlong pwesto habang ang Bocaue Chapter ay pinangalanang Most United LGBTQ Chapter; Bulakan Chapter sa ikalawang pwesto at Pulilan sa ikatlong pwesto. Lahat sila ay nakatanggap ng mga sertipiko at mga papremyo gaya ng nabanggit.

 

 

Kinilala rin ang ibang pang mga indibidwal sa programa at tumaggap ng P5,000 premyo at mga sertipiko kung saan itinangal si Rally S. Santos mula sa bayan ng San Miguel na Star of the Night; si Andres Lizarondo mula sa bayan ng Hagonoy bilang Best Dressed of the LGBTQ Pride at Ferdinand Benoza mula sa Lungsod ng Malolos bilang Superstar ng LGBTQ pride. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Pope Francis, 2-araw nang may sakit

    KINANSELA ni Pope Francis ang lakad niya noong Pebrero 28 dahil sa masama umano ang kanyang pakiramdam.   Ayon sa The Vatican, may ubo at sipon ang 83-anyos na Santo Papa.   Noong Huwebes, Pebrero 27 ay hindi rin natuloy ang kanyang misa kasama ang mga pari sa Roma.   Ang pagkakasakit ni Pope Francis […]

  • PBA, players makikinabang sa free agency rule

    PAREHONG makikina­bang ang mga PBA teams at mga players sa ipinatutupad na kauna-unahang unrestricted free agency rule sa liga.     Sinabi kahapon ni top sports agent Marvin Espiritu na kailangan lang takpan ng PBA ang ilang butas na maaaring pagmulan ng kontrobersya sa nasabing bagong patakaran.     “I think it’s beneficial both ways […]

  • Kamara naghahanda na sa canvassing of votes

    NAGHAHANDA na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa Consolidation and Canvassing System (CCS) sa posisyon ng presidente at bise presidente sa bansa.     Sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na ang canvass of votes ay kabilang sa pinakamahalagang constitutional mandate ng Kongreso.     Nitong Lunes ay nagsagawa ang ilang mga […]