Bulacan, muling isinailalim sa MECQ
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Kagyat na nagpatawag ng pulong si Gob. Daniel R. Fernando kasama ang Inter-Agency Task Force matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na muling isasailalim ang Bulacan kasama ang iba pang lalawigan na nakapalibot sa National Capital Region sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 4-18 dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
“Medyo nabigla po ang lahat, sarado na naman ang maraming establishments. But let us face the reality, hindi naman ito matitigil hanggang walang vaccine kaya pataas pero ang bantayan natin ay ang mas marami ang makarecover at hindi tayo magka-casualty. Mahirap ‘yung tatahakin natin na ito, but we need to fight until we heal,” ani Fernando.
Ayon kay Bulacan PNP Provincial Director Lawrence Cajipe, babantayan nila ang 21 controlled points na hangganan ng Bulacan, 52 na inter-municipality at 13 pasukan at labasan sa lalawigan habang mahigpit na sinusunod ang mga alituntunin ng MECQ.
Nakasaad sa alituntunin na suspendido ang pampublikong transportasyon, sarado ang mga paaralan, mahahalagang serbisyo lamang ang papayagan sa malls, walang malakihang pagtitipon, 50 porsyento lamang ng mga empleyado na may skeletal na iskedyul ang pahihintulutang pumasok habang work from home ang iba.
Ibinahagi naman ni Dr. Jocelyn Gomez, pinuno ng Provincial Health Office-Public Health, na sa huling tala nitong Agosto 3, mayroong 1,499 na kaso ng COVID-19, 462 ang gumaling habang 49 ang namatay sa Bulacan.
Aniya, may mga barangay at kabahayan na nasa ilalim ng localized zoning containment kabilang ang mga barangay ng San Nicolas at Bambang sa bayan ng Bulakan na matatapos sa Agosto 8 at 12; pitong kabahayan sa anim na barangay sa Plaridel na magtatapos sa Agosto 7; at 85 kabahayan sa Brgy. Ibayo, Hagonoy na matatapos sa Agosto 5.
Bukod dito, sinabi ni Rowena Joson -Tiongson, pinuno ng Provincial Social Welfare and Development Office, na naipamigay na nila ang 250,000 na mga survey form sa 569 na mga barangay sa lalawigan para sa contact tracing sa mga nagtatrabaho sa labas ng Bulacan.
Gayundin, sinabi ni Mayor Ambrosio Cruz, Jr., pangulo ng LMP Bulacan at miyembro ng IATF, na binanggit niya sa pulong kasama ang mga kapitan ng barangay na kailangang mahigpit na ipatupad ang mga alituntunin at maramdaman ito ng publiko.
“Kailangan maramdaman ng tao na may paghihigpit, kailangan maramdaman ng tao na kailangan natin sila sa laban na ‘to,” ani Cruz. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
League of Provinces, pag-uusapan na gawing opsyonal ang pagsusuot ng COVID-19 face mask
PAG-UUSAPAN ng League of Provinces of the Philippines kung gagawing opsyonal ang pagsusuot ng face mask laban sa COVID-19 kapag nasa labas. “Hindi pa namin talaga napag-uusapan. But I look forward kasi itong Biyernes meron kaming gaganapin na term-ender meeting at sana doon, plano ko rin po makipagkuwentuhan at makipagtanungan sa aming mga […]
-
Big advantage na anak ng sikat na singer: RACHEL, ‘di ma-describe ang feeling at saya ‘pag nakakasama si HAJJI
FOR sure ay isa ka sa mga kinilig noong 90’s sa dance group na Streetboys, my dear editor Rohn Romulo. Kaya tiyak na isa ka sa happy na may dance concert sila na mistulang reunion na rin nila, ang The Sign 90’s Supershow: A Benefit Concert. Nag-throwback nga ang isa sa mga members nila, […]
-
Enrollment para sa SY 2024-2025, umabot na sa 18 milyon
UMABOT na sa mahigit 18 milyong mag-aaral ang nag-enroll para sa School Year (SY) 2024-2025. Base ito sa ipinalabas na data ng Department of Education (DepEd), araw ng Biyernes, Hulyo 26. Sa Enrollment Monitoring Report for SY 2024-2025 by the Planning Service – Education Management Information System, ang bilang ng mga […]