• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, muling isinailalim sa MECQ na may localized lockdowns mula Agosto 16-31

LUNGSOD NG MALOLOS – Sa tagubilin ng National Inter-Agency Task Force (IATF), inanunsiyo ni Gob. Daniel R. Fernando kamakailan na mula ngayon, Agosto 16-31, muling isinailalim ang Lalawigan ng Bulacan sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ayon sa Executive Order No. 30 series of 2021 na may localized lockdowns at curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga bunsod ng biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsiya.

 

 

Sa kanyang mensahe kamakailan sa Cyberspace League 87.9 NYC-FM, may mga paghihigpit pa rin na kailangang sundin habang nasa ilalim ng MECQ at pinayuhan ang mga Bulakenyo na iwasan ang mga pagtitipon lalo na at mas mabilis makahawa ang Delta variant.

 

 

“Nandoroon pa rin ang mga restrictions na kailangan natin sundin lalo na at may banta pa ng Delta variant na mas madali at mabilis makahawa. Mas paigtingin natin ang pag-iingat; hangga’t maaari iwasan natin ang mga mass gathering,” ani Fernando.

 

 

Bukod dito, ang pinapayagan lamang sa interzonal travel sa loob ng NCR Plus areas kasama na ang Bulacan ay ang mga authorized persons outside of residence (APOR) kung saan limitado lamang ang paggalaw sa pag-access sa essential goods, sa mga trabaho sa mga pinahihintulutang establisimiyento at iba pang mga aktibidad na pinapayagan sa lugar.

 

 

Ang iba pang mga aktibidad gaya ng indoor dine-in ay pinahihintulutan na may 10% na kapasidad lamang; ang indibidwal na pag-eehersisyo ay pinapayagan sa loob lamang ng lugar ng kanilang tinitirhan; ang mga religious activities, burol, kasalan at binyagan ay pinahihintulutan lamang na may 10% na kapasidad ngunit maaaring itaas ng LGU hanggang 30% sa mga necrological service, wakes inumment, at burol para sa mga malalapit na pamilya.

 

 

Dagdag pa dito, ang pag-access at paggamit ng iba pang pampublikong pasilidad ay hindi pinahihintulutan habang nasa MECQ kabilang na ang mga indoor/outdoor tourist attractionsvenues para sa mga meetingconferenceexhibitionspecialized market ng DOT gaya ng staycation/DOT-accredited accommodationhorse racing na may off-track betting (OTB) stationindoor sports courts at venuesentertainment venues gaya ng barsconcert halls at sinehan; recreational venues gaya ng internet cafésbilliards at arcadesamusement parksfairs, playgrounds at kiddie rides habang ang mga personal care services gaya ng mga salonparlorbeauty clinic at iba pa ay pahihintulutan na may 30% na kapasidad lamang.

 

 

Inatasan din ni Fernando ang mga lokal na pamahalaan sa kung anong mga lugar sa kanilang nasasakupan ang kailangang isailalim sa lockdown upang makontrol ang pagkalat ng virus.

 

 

Sa datos kahapon ng alas 4:00 ng hapon, nakapagtala ang Bulacan ng 469 na fresh cases at 11 late cases na walang bagong naitalang pagkamatay at may 223 bilang ng mga gumaling.

Other News
  • PSC 2021 BUDGET APRUB NA SA SENATE COMMITTEE

    INAPRUBAHAN na sa Senate committee level ang proposed budget ng Philippine Sports Commission para sa 2021 sa ginanap na virtual hearing na pinangunahan ni Committee on Sports chairman, Senator Bong Go, kasama sina Senators Imee Marcos at Nancy Binay.   Sa kanyang opening state- ment, binati ni Go ang PSC dahil sa overall championship finish […]

  • National athletes na sasabak sa Tokyo Olympics at SEA Games, magsisimula na sa bubble training

    Magsisimula na sa buwan ng Hulyo ang bubble training ng mga national athletes ng bansa bilang paghahanda sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games.     Sa naging panayam, sinabi ni Dr. Philip Ella Juico, president ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na sa July 15, 2021 magsisimula na ang pagsasanay ng mga atleta […]

  • Alden at Jasmine, kinakiligan at pinuri ang chemistry

    THANKFUL ang GMA Entertainment Group dahil nagustuhan ng mga televiewers ang bagong handog nilang drama anthology na I Can See You na ang pilot episode ay ang “Love On The Balcony” na nagtatampok kina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Pancho Magno with Shyr Valdez and Denise Barbacena, sa direksyon ni LA Madridejos.   Weekly series ang […]