Bulacan, nagsagawa ng simulation exercise para sa pagbabakuna laban sa COVID-19
- Published on February 23, 2021
- by @peoplesbalita
Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kasama ang team nito ang simulation exercise ng COVID-19 vaccination plan sa The Pavillion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito kamakailan.
Ayon sa Bulacan Medical Center (BMC) at Provincial Health Office – Public Health, higit 20 kalahok na hired contact tracers ng DILG ang sumabak sa exercise na ito kung saan sumailalim ang ilan dito sa anim na hakbang kabilang ang Step – waiting area, Step 2 – registration area, Step 3 – counseling area, Step 4 – screening area, Step 5 – vaccination area at Step 6 – observation area.
Matapos ipakita ang ID para sa pagbabakuna ay binigyan sila ng vaccination card at consent form habang ang pagbabakuna ay ginawa lamang sa loob ng isa hanggang dalawang minuto.
Bukod sa mga ipinamahaging polyeto, nagpalabas din ng mga audio visual presentation para sa karagdagang impormasyon hinggil sa bakuna para sa COVID-19.
Paaala ni Gob. Daniel R. Fernando, siguruhin na ang magpapabakuna ay dumating sa tamang oras at petsa ng kanilang iskedyul at sundin ang magkakasunod na hakbang na nabanggit.
Ani Fernando sa mga Bulakenyo, “kayo po ay aking kinukumbinsi na magpabakuna dahil ang pandemyang ito ay kumitil na ng maraming buhay sa mundo at malaki ang epekto sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa”.
Aniya, malaki ang maitutulong ng mga padating na bakuna upang mahinto ang pagkalat ng sakit na ito.
Samantala, kabilang sa unang grupo na babakunahan ay ang mga health care worker at frontliner ng Bulacan Medical Center ito ay matapos makita na ang kahandaan, kapasidad at kakayahan ng lalawigan sa pagbabakuna.
Nakiisa din sina Dr. Shiela Yu at JayR Carreon ng Department of Health Region 3 sa isinagawang simulation exercises upang magdagdag ng kanilang mga suhestiyon sa lalo pang ikaaayos ng gawain. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Jawo, 9 iba pa iluluklok sa Philippines Sports Hall of Fame
Pamumunuan ni ‘Living Legend’ Robert Jaworski ang siyam pang sports heroes ng bansa sa pormal na pagluluklok sa kanila sa Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) sa Linggo sa isang digital ceremony. Kasama rin sa fourth batch ng mga inductees sina football great Paulino Alcantara, swimmer Eric Buhain, track and field star Elma […]
-
Kongresista, umatras sa kandidatura sa pagka-senador
INIHAYAG ni AGRI Party-list Rep. Manoy Wilbert Lee ngayong Lunes ang pag-atras niya sa pagtakbo bilang senador ngayong 2025 National at Local Elections. Sinabi ni Lee na ang kakulangan sa makinarya para sa isang matagumpay na kampanya ang dahilan kung bakit hindi na niya itutuloy ang pagkatakbo. Sa halip, aniya ay pagtutuunan na lamang […]
-
“The Boogeyman” Terrifying New Trailer and Poster Out Now
EMBRACE the fear and mark your calendars for May 2023, as “The Boogeyman” prepares to haunt theaters near you and terrifying new trailer and a new poster is available now. The horror-thriller from the mind of best-selling author Stephen King. The wait is finally over, as the spine-chilling new trailer and poster for […]