• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, pasisinayaan ang kauna-unahang sariling molecular lab building

LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang isang buwang konstruksyon upang mabilisang makatugon sa pandemya, pasisinayaan na ang sariling Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory Building ng lalawigan sa Bulacan Medical Center Compound kanina.

 

“Inaasahang mapapalawak ng molecular lab facility ang kapasidad ng lalawigan na magsagawa ng mga test na mas mabilis at may tamang mga resulta. Ito ay mahalagang bahagi ng pagbawi at resiliency plan upang makatulong makapagbigay daan sa “new normal,” ani Fernando.

 

 

Sasamahan sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ni Dr. Emily V. Paulino, Development Management Officer V ng Department of Health-Bulacan, Kenneth Samaco ng World Health Organization at Punong Bayan ng Guiguinto Ambrosio Cruz, Jr. sa pagbabasbas na pangungunahan ni Fr. Joseph Fidel Roura na susundan ng ribbon cutting ceremony.

 

 

Sinabi ni Fernando na makatutulong ang pasilidad na mapababa ng mga kaso dahil sa mas malawak na kapasidad nito na magsagawa ng mas maraming mga test at makuha ang resulta sa loob lamang ng ilang oras, dahilan para agad na malaman at matukoy kung sino ang negatibo at positibong pasyente para maiwasan ang posibleng pagkakahawaan.

 

 

“Naniniwala po tayo na isa sa mga susi upang mapabilis ang paglutas natin at mapigil ang paglobo ng mga pasyenteng may COVID-19 ay ang pagsasagawa ng mass testing kung kaya naman sinikap ng inyong lingkod na magkaroon tayo ng sarili nating pasilidad upang hindi na tayo makipagsiksikan sa ibang laboratoryo at maghintay ng matagal upang malaman kung tayo ay positibo o negatibo sa COVID-19,” ani Fernando.

 

 

Aniya, tulad ng inilunsad kamakailan at ngayo’y bukas na na Bulacan Medical Center GeneXpert Laboratory, magagamit din ang Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory para suriin ang mga specimen para sa TB, flu, HIV at Hepatitis B and C sa pamamagitan ng polymerase chain reaction machine (PCR), DNA at RNA na maaaring sumukat at magamit upang makita ang pagkakaroon ng partikular na uri mga virus at mikrobyo.

 

 

Ayon kay Dr. Hjordis Celis, Provincial Health Officer II, kayang magsagawa ng Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory gamit ang PCR, ng 96 tests na maglalabas ng resulta sa loob ng 3 hangang 4 na oras.

 

 

Bago ito opisyal na magbukas, sasailalim ang Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory sa competency examination at magsasagawa ng proficiency testing sa Agosto 3, 2020. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pagpapaabot ng tulong sa mga stranded na pasahero dahil Bagyong Kristine pinatitiyak ni PBBM

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pangunahan ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan, dahil sa Bagyong Kristine.     Sa situation briefing sa NDRRMC, iniulat sa pangulo na nasa 5, 329 ang mga pasahero na stranded sa iba’t ibang […]

  • De Luna nagkampeon sa Florida sidepocket 9-ball

    MAY ilang ilang araw  pa lang ang nakararaan nang mamayagpag sa Sunshine State Pro Am Tour 2021 Stop 2 si Jeffrey de Luna.     Sinundan niya agad ng isa pang korona ang kanyang ulunan sa paghahari naman sa The Sidepocket Open 9 Ball Championship #23 Mardi Grass sa Brewlands sa North Lakeland, Florida.   […]

  • Bilang ng mga nagugutom sa bansa tumaas – SWS

    TUMAAS ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagugutom.     Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey na mayroong estimated na 3.1 milyong pamilyang Filipino o 12.2% ang nakaranas ng gutom sa nagdaang tatlong buwan.     Isinagawa ang surver mula Abril 19-27 kung saan mas mataas ito noong Disyembre 2021 na mayroong 11.8 […]