Bulacan, pasisinayaan ang kauna-unahang sariling molecular lab building
- Published on July 17, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang isang buwang konstruksyon upang mabilisang makatugon sa pandemya, pasisinayaan na ang sariling Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory Building ng lalawigan sa Bulacan Medical Center Compound kanina.
“Inaasahang mapapalawak ng molecular lab facility ang kapasidad ng lalawigan na magsagawa ng mga test na mas mabilis at may tamang mga resulta. Ito ay mahalagang bahagi ng pagbawi at resiliency plan upang makatulong makapagbigay daan sa “new normal,” ani Fernando.
Sasamahan sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ni Dr. Emily V. Paulino, Development Management Officer V ng Department of Health-Bulacan, Kenneth Samaco ng World Health Organization at Punong Bayan ng Guiguinto Ambrosio Cruz, Jr. sa pagbabasbas na pangungunahan ni Fr. Joseph Fidel Roura na susundan ng ribbon cutting ceremony.
Sinabi ni Fernando na makatutulong ang pasilidad na mapababa ng mga kaso dahil sa mas malawak na kapasidad nito na magsagawa ng mas maraming mga test at makuha ang resulta sa loob lamang ng ilang oras, dahilan para agad na malaman at matukoy kung sino ang negatibo at positibong pasyente para maiwasan ang posibleng pagkakahawaan.
“Naniniwala po tayo na isa sa mga susi upang mapabilis ang paglutas natin at mapigil ang paglobo ng mga pasyenteng may COVID-19 ay ang pagsasagawa ng mass testing kung kaya naman sinikap ng inyong lingkod na magkaroon tayo ng sarili nating pasilidad upang hindi na tayo makipagsiksikan sa ibang laboratoryo at maghintay ng matagal upang malaman kung tayo ay positibo o negatibo sa COVID-19,” ani Fernando.
Aniya, tulad ng inilunsad kamakailan at ngayo’y bukas na na Bulacan Medical Center GeneXpert Laboratory, magagamit din ang Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory para suriin ang mga specimen para sa TB, flu, HIV at Hepatitis B and C sa pamamagitan ng polymerase chain reaction machine (PCR), DNA at RNA na maaaring sumukat at magamit upang makita ang pagkakaroon ng partikular na uri mga virus at mikrobyo.
Ayon kay Dr. Hjordis Celis, Provincial Health Officer II, kayang magsagawa ng Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory gamit ang PCR, ng 96 tests na maglalabas ng resulta sa loob ng 3 hangang 4 na oras.
Bago ito opisyal na magbukas, sasailalim ang Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory sa competency examination at magsasagawa ng proficiency testing sa Agosto 3, 2020. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Service Caravan ng BI sa Batangas, sinimulan
BIYAHENG Batangas ngayon ang Bureau of Immigration para sa kanilang fourth leg na nationwide caravan. Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang Bagong Immigration Service Caravan ay gaganapin sa Batangas City. “Our goal is to bring our services closer to people,” ani Tansingco. “While many of our services are now […]
-
Bagong voter registration system na “Register anywhere,” kasado na-Comelec
KASADO na para sa pilot testing ang panibagong sistema ng Commission on Elections na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga voter registrants na makapagparehistro kahit hindi sa kanilang siyudad o bayan na kinabibilangan. Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, bunsod ng pagiging abala ng mga dapat […]
-
‘Secret Headquarters’ First Trailer Reveals Owen Wilson In An Iron Man-Like Superhero
THE first trailer for Secret Headquarters reveals Owen Wilson in an Iron Man-like supersuit trying to protect Earth and be a father at the same time. Wilson is joined by a cast that includes The Adam Project’s Walker Scobell, Michael Peña, Jesse Williams, Keith L. Williams, Momona Tamada, Abby James Witherspoon, and Kezii […]