Bulacan, pasok bilang 10th Most Competitive Province
- Published on February 12, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Isa na namang parangal ang nadagdag sa Lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando sa pagkakamit ng lalawigan sa ika-10 pwesto bilang Most Competitive Province na iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) noong Enero 31, 2022.
Ang nasabing pagkilala ang pangatlong sunod na taon para sa lalawigan na nakuha ang ikawalong pwesto noong 2020 at ikasiyam na pwesto noong 2019.
Malaking pagsulong ito sa Bulacan na nasa ika-49 pwesto noong 2018, ika-48 noong 2017, ika-24 noong 2016, at ika-44 noong 2015. Pinatutunayan din nito ang epektibong istratehiya sa ekonomiya ng Bulacan sa ilalim ng administrasyon ni Fernando.
Higit pa sa pagkilala, naniniwala ang gobernador na maaaring masukat ang tagumpay ng pagiging palaban ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng kasiyahan na natatanggap ng mga Bulakenyo sa mga programa, plano at proyekto para sa mga tao.
“Ipinapakita po sa nakamit nating ito na tagumpay ang ating lalawigan sa pangangalaga sa ating ekonomiya kabilang na diyan ang mga maliliit na negosyo at pagbibigay ng oportunidad na makapagtrabaho. Pinilay man ng pandemya ang ating ekonomiya, hudyat ang pagkilalang ito ng unti-unting pagbangon ng ating lalawigan,” ani Fernando.
-
PDu30, maayos ang kalusugan-Malakanyang
“HE is as good as anyone of his age.” Ito ang tugon ng Malakanyang sa mga nagtatanong at naghahanap kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga araw na nananalasa at bumabayo ang super typhoon rolly sa bansa. Ang hindi pagdalo ni Pangulong Duterte sa kauna-unang public briefing habang nananalasa ang bagyong rolly ay […]
-
Pinas, nakakuha ng ₱9-B loan mula France
NAKAKUHA ang Pilipinas ng €150-million o mahigit na ₱9 billion policy-based loan mula France para idagdag at gamitin sa “climate change mitigation at adaptation.” Sinabi ng French Development Agency (AFD) na nagsagawa ito ng ceremonial exchange of documents sa Department of Finance sa loan na tinintahan noong nakaraang Disyembre 29, 2022. Naglalayon itong tulungan ang […]
-
Napagkuwentuhan din nila ni Iñigo: RURU, natuwa na alam ni PIOLO na inaanak siya sa binyag
KAHIT kami ay nagulat nang malaman namin na ninong pala ni Ruru Madrid sa binyag si… Piolo Pascual! Sa mga hindi nakakaalam, dating modelo ang ama ni Ruru na si Bong Madrid, na noong kabataan ay napakaguwapo ring tulad ni Ruru. At nagkataon na matalik na magkaibigan sina Bong at Piolo […]