Bulacan, wagi sa Good Financial Housekeeping
- Published on March 7, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Humakot ng parangal ang Lalawigan ng Bulacan kasabay ng paggagawad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, 21 bayan at tatlong lungsod ng 2019 Good Financial Housekeeping ng Department of the Interior and Local Government.
Nagawa ng mga pumasang lokal na pamahalaan na tumalima sa Full Disclosure Policy o ang pagpapaskil ng dokumentong pinansyal sa tatlong hayag ng lugar at sa FDP Portal para sa CY 2018 all quarters at CY 2019 1st quarter posting period documents; at ang kanilang pinakabagong COA Audit Opinion ay Unqualified o Qualified para sa CY 2017 at 2018.
Binati naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang lahat ng tatlong lungsod at 21 bayan ng Bulacan para sa pagtalima at pagpasa sa pamantayan ng DILG at sinabi na ang pagiging bukas ang susi sa isang mabuting pamumuno.
“Ito pong pagiging bukas ng ating dokumento, lalo pa nga po at pinansyal ay dapat talagang pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan. Karapatan po ng ating mga mamamayan na malaman kung saan napupunta ang buwis na kanilang ibinabayad. Kaya naman po, tayong mga pinagkatiwalaan ay dapat na gugulin ang mga pondong ito sa tamang mga proyekto na mabebenipisyuhan ang ating mga kalalawigan,” anang gobernador.
Ayon sa Official List of Passers na inilabas ng DILG, 89 porsiyento o 1,522 sa 1,706 na sinuring lokal na pamahalaan ang pumasa sa batayan.
Ang Financial Housekeeping, kasama ng Disaster Preparedness, Social Protection, Peace and Order, Business Friendliness and Competitiveness, Environmental Protection at Tourism, Culture and the Arts, ang mga batayan sa paggagawad ng Seal of Good Local Governance sa mga lokal na pamahalaan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Outgoing NEDA chief, inulit ang pangangailangan para sa “full resumption” ng face-to-face classes
MULING inulit ni Outgoing Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua ang panawagan na “fully resume” ang face-to-face classes. Nagpahayag ng kumpiyansa si Chua na maipatutupad ito ng incoming administration. Sa virtual briefing, sinabi ni Chua na ang education sector ay “significantly lagged behind”, pagdating sa full resumption ng face-to-face classes na […]
-
Target na 200-M COVID-19 vaccinations ng Amerika, naabot na
Masayang inanunsyo ni United States President Joe Biden na naabot na ng kanyang administrasyon ang target nito na mabakunahan ang 200 milyong Amerikano laban sa coronavirus disease. Inanunsyo ni Biden na 200 milyong mamamayan na ng Amerika ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa loob lang ng 100 araw nito bilang pinuno. […]
-
Pangingisda, pinapayagan na ngayon sa katubigan sa pitong bayan sa Oriental Mindoro
IDINEKLARA ng oil spill task force na nasa “acceptable standards” na para sa fishing activities ang municipal waters ng Clusters 4 at 5 sa bayan ng Oriental Mindoro na labis na tinamaan ng oil-spill. Ayon sa isang kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO), ibinatay ng Task Force MT Princess Empress Oil […]