• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BUS OPERATOR NA MANININGIL SA BEEP CARD, PAGMUMULTAHIN –DOTR

PAGMUMULTAHIN ng Department of Transportation (DOTr) ang sinumang bus operator na maniningil ng karagdagang bayad sa Beep card.

 

“Unang-una na papatawan ng penalty dyan is ‘yung bus operators, dahil ‘yun ang kausap namin… Sila ang mananagot kasi sila ang kausap eh. Basta kami sinabi lang namin sa kanila na dapat walang bayaran ng pamasahe sa loob ng bus para maiwasan ang COVID transfer,” giit ni DOTr consultant Alberto Suansing sa isang panayam.

 

“Inorder namin ‘yan through yung aming kausap which is ‘yung bus operators. Sinasabi namin sa bus operators, kung hindi nila kayang ibigay ‘yan humanap kayo ng iba,” dagdag nito.

 

Naglabas na rin ng Memorandum Circular 2020-057 ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magtatakdang maging libre ang paggamit ng naturang card para sa cashless transaction sa mga pampublikong sasakyan.

 

Ngunit hindi kasama rito ang mga tren dahil may kasunduan nito sa AF Payments.

 

Magsisimulang maging libre ang Beep card sa Biyernes, Oktubre 9.

 

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte na ibigay ng libre ang Beep card sa mga pasahero nitong Lunes.

Other News
  • Mga proyektong may kinalaman sa crime monitoring activities, irerekomenda ng DILG

    IREREKOMENDA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa incoming officials ng departamento ang mga proyektong may kaugnayan sa crime monitoring activities.     “Nasa sa kanila na po ‘yun kung gusto nilang ipagpatuloy pero highly recommended po ‘yun, kung nasimulan lang sana ng maaga nung 2019 dapat patapos na ‘yan today,’’ayon kay […]

  • SC, tuluyan nang ibinasura ang Anti-Terror Act of 2020

    TULUYAN  nang ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na humihiling na ibasura ang Anti Terrorism Act of 2020.     Sa En Banc deliberation dito sa Baguio City ng mga mahistrado ng SupremeCourt (SC), binasura ang mga inihaing motions for reconsideration ng mga petitioner.     Ibinase ng SC En Banc ang desisyon sa […]

  • DJ Mo, kinasal na sa longtime partner na si ANGELICOPTER sa Iceland; tinuloy kahit inabutan ng snow storm

    KINASAL na si DJ Mo Twister sa kanyang longtime partner na si Angelicopter sa bansang Iceland noong nakaraang June 15.     Sa Instagram, pinost ni DJ Mo ang litrato nila ni Angelicopter na kuha sa Skaftafell sa Vatnojökull National Park. May kuha pa ang newlyweds sa famous Svartivos falls.     Pinlano raw ng […]