• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Caloy sabak agad sa ensayo pagbalik sa Japan

ISA hanggang dala­wang araw lang ang magi­ging break ni two-time world gymnast champion Caloy Yulo para paghandaan ang mga lalahukan pang international competitions ngayong taon.

 

 

Isa sa mga ito ay ang Asian Gymnastics Championships sa Hunyo 15-18 sa Doha, Qatar na magsisilbing qualifying tournament para sa 41st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Liverpool, England sa Oktubre.

 

 

“Imposible kay coach Mune (Munehiro Kugimiya) ang mahabang break,” wika ng 22-anyos na Pinoy gymnast. “Isang araw tama na.”

 

 

Limang gold at dalawang silver medals ang inangkin ni Yulo sa pagtatapos ng kanyang kampanya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Dinuplika niya ang limang gintong medalyang nakuha ni gymnast Rolando Albuera noong 1979 Jakarta SEA Games.

 

 

Naghari ang Batang Maynila sa men’s floor exercise, vault, still rings, horizontal bar at individual all-around at sumegunda sa team event at parallel bars.

 

 

Sa pommel horse lamang siya nabigong makahablot ng anumang medalya.

 

 

Sa kabuuan ng kanilang kampanya sa Vietnam SEA Games ay nagposte ang national gymnastics team ng 7 golds, 4 silvers at 1 bronze kumpara sa nakamit na 3 gold, 5 silver at 4 bronze medals noong 2019 edition.

 

 

Bukod sa limang ginto ni Yulo ay nagdagdag din si Fil-Am Aleah Finnegan ng dalawa pa sa vault at women’s team event.

Other News
  • Ads July 6, 2021

  • COVID-19 vaccine brands, puwede nang sabihin sa recipients sa inoculation centers

    MAAARING isiwalat ng mga awtoridad ang COVID-19 vaccine brands sa kanilang recipients sa inoculation centers.   Ito’y matapos na ipagbawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang local government sa pag-anunsyo ng brand names para maiwasan ang mass gatherings.   “Malinaw ang paliwanag ng DILG na bagama’t hindi iaanunsyo ng LGU ang vaccine […]

  • Ateneo student, tumalon mula sa 9th floor ng gusali

    Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-siyam na palapag ng gusali ang isang kolehiyala ng Ateneo de Manila University sa Quezon City noong Lunes ng umaga.   Sa report ni PMSG Julius Balbuena, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-11:10 ng umaga (Pebrero 17) nang maganap ang insidente […]