Camarines Norte attack ng NPA sa mga sundalo, pasok sa int’l rules of war, ipinagkibit-balikat ng Malakanyang
- Published on March 27, 2021
- by @peoplesbalita
IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Malakanyang ang iginiit ng Communist Party of the Philippines (CPP) na ‘justified’ ang pag-atake ng New People’s Army sa Camarines Norte na ikinasawi ng limang pulis noong nakaraang Biyernes.
“Well, depende po yan noh? hIndi ko po alam iyong circumstance ng sinasabi nila noh? pero ang kinukuwestiyon po ng marami eh bakit hanggang ngayon iyong mga CPP-NPA ay patuloy nga na pumapatay ng kapwa Filipino noh? Bakit hindi pa nila ibaba ang kanilang mga armas kahit marami na naman silang mga kasama na napakagaling sa larangan ng parliamentary struggle. Eh pupuwede namang gawin sa mapayapang pamamaraan,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
“Ang sinasabi lang ng Presidente, bakit kinakailangan pang makipagpatayan,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, sa ilalim ng “international rules on the conduct of war” iginiit ng CPP nabigyang katwiran ang pag-atake ng NPA sa Camarines Norte na ikinamatay nga ng limang pulis.
“The NPA raid in Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte was a legitimate military action consistent with international rules on the conduct of war,” ayon sa pahayag ng CPP.
“The target, a counter insurgency outpost of highly-trained police special action forces, was a legitimate military target,” dagdag pa sa pahayag.
Ang komento ng CPP ay sagot sa pagkondena ng Commission on Human Rights sa nasabing pagpatay.
Ipinunto pa ng CPP na ang mga nasawing pulis sa raid ay armado.
Ayon pa sa teroristang grupo na maayos umano nilang trinato ang tatlong pulis na sumuko sa NPA, kung saan ginamot pa umano ng medic nila ang mga nasugatang parak bago umalis.
“We urge the foot soldiers of the AFP and PNP who find themselves in battle with the NPA, especially a superior NPA force, to choose to surrender and submit their firearms in order to avoid the loss of lives,” ayon pa sa pahayag.
“The NPA assures enemy troops who surrender that no harm will befall them and that their rights under the Geneva Conventions governing the conduct of war will be respected.” (Daris Jose)
-
WANTED SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN NA BUNTIS, ARESTADO SA MALABON
ISANG lalaking wanted dahil sa pananakit sa kanyang walong buwan buntis na live-in partner ang arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, si Rickman Serafin, 30 ng Blk 14G, Lot 14, Teacher’s Village, Brgy. Longos ay […]
-
73 matatandang inabandona ng kanilang pamilya sa Valenzuela, bakunado na
INIHAYAG ni Mayor Rex Gatchalian na nabigyan na ng kanilang unang dose ng CoronaVac kontra COVID-19 ang nasa 73 matatandang inabandona ng kanilang mga pamilya sa lansangan ng lungsod. “Remember the 73 senior citizens who were abandoned by their families and now live in ‘Bahay Kalinga,’ it’s their turn to be vaccinated,” ani […]
-
Pinoy karate athlete James De los Santos muling nagwagi
MULI na namang nakapagbulsa ng gintong medalya si Filipino karate James De los Santos. Nakuha niya ang ika-17th gold medal niya sa Katana Inter Con- tinental Karate League e-Tournament. Sa nasabing torneo ay nagtala ito ng 26.1 points unang pagkakataon. Nahigitan ng 30-anyos ang pambato ng Costa Rica na si Juan Achio […]